Quantcast
Channel: Lathalain / Kultura – Philippine Collegian
Viewing all 86 articles
Browse latest View live

Mula Pamantasan Patungong Lansangan: Pagtatasa sa unang termino ni UP Diliman Chancellor Michael Tan

$
0
0

chancy

Camille Guadalupe Lita

Tangan muli ni Chancellor Michael Tan ang sulo ng UP Diliman sa muling pagkakaluklok bilang chancellor. Batbat ng balakid ang landas na tinahak nito, mula sa mga tangkang pagliko tulad ng pagbabago ng General Education (GE) Curriculum at akademikong kalendaryo, hanggang sa sunud-sunod na sunog sa mahahalagang gusali tulad ng Faculty Center (FC), College of Arts and Sciences Alumni Association (CASAA) Food Center, at Alumni Center.

Sa paglingon sa kaniyang mga hakbang, nanatili ang tindig ni Tan sa kapakanan ng unibersidad at ang liderato nito na paglingkuran ang sambayanan. Tangan ang sulo kahanay ang komunidad ng UP, mainit nitong tinanggap ang pambansang minorya sa nakaraang Lakbayan. Pasulong ding hinarap ni Tan ang iba’t ibang isyu ng lipunan sa paglahok nito sa mga mobilisasyon sa lansangan, tulad ng pagtutol sa paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa pagsisimula ng kaniyang panibagong termino, marami pang haharapin at mga hakbang na dapat tahakin si Tan. Taliwas sa pampublikong karakter ng UP, nananatili pa rin ang Socialized Tuition System (STS) na nagkakamal ng salapi mula sa mga estudyante upang punan ang pagkukulang ng pamahalaan sa badyet ng pamantasan. Hamon kay Tan na igiit kasama ng mga estudyante ang libreng edukasyon, gayundin ang mga pangmatagalang solusyon sa iba pang mga suliranin ng UP.

Ito ang pambansang unibersidad at karapat-dapat lamang na maparito ang mga pambansang minorya.

Mula sa lansangan na lunan ng mga mobilisasyon ng iba’t ibang sektor, naging espasyo rin ang UP upang paigtingin ang mga labang ito sa nakaraang termino ni Chancellor Michael Tan. Malaki ang naging ambag ng pagiging dalubhasa ni Tan sa larangan ng Antropolohiya at Agham Panlipunan sa mas makataong lapit nito sa pamamahala.

Tampok na rito ang taunang Lakbayan, kung saan halos 3,500 na katutubo mula sa malalayong bahagi ng bansa ang naglakbay patungong Maynila upang igiit ang karapatang pantao at sariling pagpapasya. Nagsilbing tahanan ng mga Lakbayani ang iba’t ibang gusali ng UP at hinigpitan din ang seguridad para sa kanila.

Subalit nang magprotesta ang mga Lakbayani sa harap ng US Embassy noong 2016, binomba sila ng tubig at walang habas na sinagasaan ng trak ng pulis. Agad itong kinundena ni Tan bilang insulto na rin sa pamantasan ang pandarahas sa mga bisitang Lakbayani.

“Ilang karahasan na ang naranasan ko mula pa noong Martial Law, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kalabisan—laban sa mga katutubo,” ani Tan.

Subalit sinundan pa ang kalabisang ito ng estado nang paburan ng Korte Suprema ang pagpapalibing kay dating diktador Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Agad itong tinutulan ng UP kasama ng iba pang mga pamantasan sa kilos-protesta sa Katipunan, kung saan isa si Tan sa mga nanguna, maging sa sumunod na malalaking rally.

Isang malaking insulto ang pagpapalibing kay Marcos lalo na’t marami sa mga naging biktima noong Batas Militar ay mga estudyante at guro ng UP. Mananatiling tangan ng pamantasan ang sulo ng pakikibaka na lubos na nag-alab noong Diliman Commune ng 1971, kung saan nagbarikada ang UP laban sa pasismo ng rehimeng Marcos.

Sa pagtahak ni Tan patungong lansangan tangan ang sulo, binuksan at mas inilapit niya ang UP sa taumbayan. Sa ganitong paraan, napupunan ng UP hindi lamang ang karakter nito kundi ang tungkuling paglingkuran ang sambayanan.

There’s no support for the most valuable resource ng bayan… Kulang na kulang pa rin ang suporta [ng gobyerno] sa mga Iskolar ng Bayan.

Mariing inililiko ng kakulangan ng suporta ng gobyerno ang karakter ng UP—nanatili sa termino ni Chancellor Michael Tan ang Socialized Tuition System (STS), at maging ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin.

Tinitingnan ngayon ng pamahalaan ang sistemang STS bilang posibleng pamalit sa libreng matrikula, kung saan may P8.3 bilyong karagdagang pondo na inilaan ng Kongreso para sa mga pampublikong pamantasan. Isinasantabi nito ang katotohanang marami sa mga estudyante ang ginigipit ng sistema, tulad ng pila sa UP ng apela dahil sa misbracketing, at pagkuha ng loan para sa bayarin.

Bagaman maagap si Tan sa pag-uusog ng deadline ng matrikula at pag-apruba sa apela ng mga estudyante para sa full tuition loan, hindi maaring umasa na lamang ang unibersidad sa ganitong panandaliang solusyon.

Bukod sa mga bayarin, malaking problema pa rin ang enrolment sa UP—mula sa kakulangan sa klase hanggang sa pagpalya ng Student Academic Information System (SAIS) na muntik nang humalili sa Computerized Registration System (CRS).

Dahil sa direktang konsultasyon ni Tan, napabagal ang pagpasok ng SAIS sa Diliman, ayon kay Propesor Ramon Guillermo ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy. Sa halip na pumailalim sa SAIS, naglaan ng P6.5 milyong pondo ang Office of the Chancellor upang paunlarin ang CRS ng UPD.

Bukod sa sistema ng enrolment, tila napabayaan din ang suporta para sa atleta ng bayan.

Kahit pa nakapagtatag si Tan ng Office of Varsity and Sports Affairs, hindi pa rin lubos na natugunan ang mga suliranin ng mga atleta. Mula sa ipinangakong stadium para sa dating Track Oval, nananatiling nakatiwangwang ang binungkal na lupain sa halip na pakinabangan. Dahil dito, kinailangan nilang magrenta sa iba pang lugar mula sa sariling bulsa, at umaasa na lamang sa reimbursement.

The common denominator: kailangang may puso. You cannot work as a team in UPD kung wala ka nito.

Magaling na pangkat ang susi sa likod ng isang matagumpay na liderato. Para kay Chancellor Michael Tan, kaakibat nito ang pagkakaroon ng puso hindi lang sa pamantasan kundi sa buong komunidad ng UP Diliman.

Kahit pa naging Chancellor na si Tan, hindi siya nakalilimot dumaan sa kaniyang dating opisina sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP). Ngunit kahit pa nanggaling si Tan sa larangan ng Arts and Humanities, nananatili pa rin ang kakulangan sa suportang pinansyal at imprastraktura para rito lalo pa’t nasunog ang Faculty Center.

Maayos man ang relasyon ni Tan sa kaniyang mga dating empleyado, marami pa rin sa mga empleyado ng UP ang kontraktwal at may kakarampot na benepisyo.

Noong 2012, mayroong 3,422 ang kontraktwal sa buong UP System, ayon sa tala ng Association of Contractual Employees in UP. Hindi sapat ang sweldong P616 kada araw na kulang sa P1,119 na living wage ng isang pamilyang may anim na miyembro, ayon sa IBON Foundation. Hindi rin sapat ang grocery allowance at rice subsidy dahil marami pa ang pangangailangan ng isang manggagawa tulad ng benepisyong pangkalusugan at edukasyon para sa mga anak na hindi matugunan ng mababang sweldo at kakarampot na benepisyo.

Malaki rin ang epekto ng kakulangan ng faculty lalo na tuwing magsisimula ang panibagong akademikong taon.

Nag-uugat sa kakulangan ng faculty ang kakulangan ng mga klaseng binubuksan tuwing enrolment lalo na sa General Education (GE) subjects. Dagdag balakid pa ang planong pagbababa ng GE units mula 45 patungong 21 units, dahilan sa matatalakay na umano sa senior high school ang ibang mga aralin. Ayon kay Tan, plano nitong magbukas ng 800 faculty items upang mabawasan ang bigat ng trabaho ng mga guro, at mapigilan ang pagbabawas ng GE units.

We are learning to listen to each other, to open our campus, and even more importantly, our hearts, to the broader communities we belong to, and to the nation.

Sa pagsisimula ng panibagong termino ni Chancellor Michael Tan, kakailanganin niyang pag-alabin pa ang sulo upang maipagpatuloy ang mga proyektong hindi niya naisakatuparan sa kaniyang unang termino.

Tila buwelo lamang ang unang termino ni Tan. Maikli ang tatlong taon upang sugpuin ang mga problemang kinakaharap ng UP bilang unibersidad at komunidad.

Sa usapin ng mga nasunog na gusali, naglaan na ng P5 milyong pondo ang Office of the Chancellor para sa pagpapagawa ng CASAA. Nasimulan na rin ang pagpapagawa sa natupok na Alumni Center. Pagtutuunan din ng pansin ang pagpapagawa ng mga gusali gaya ng dagdag na dormitoryo at sports complex.

Ngunit hanggang ngayon, nakabinbin pa rin ang mga plano para sa Faculty Center (FC). Ayon kay Tan, isa sa pinakamalaking pagkukulang niya ang hindi natapos na pagsasaayos ng FC. Dagdag pa niya, kasalukuyan pang itinatayo ang mga bagong gusali para sa iba’t-ibang disiplina ng Inhinyeriya, kung kaya matatagalan pa ang paglipat ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Melchor Hall kung saan sila dapat nakabase, ayon sa Land Use Plan ng 1994.

Matapos ang mga sunog, kailangan ding tumindig si Tan sa usapin ng libreng edukasyon sa UP. Panandaliang solusyon lamang ang pag-aapruba ng tuition loans at deadline extension. Posible ang implementasyon ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa paggigiit at pagpapanagot sa gobyerno, kung maglalaan ito ng sapat na pondo nang malaya sa pangungulimbat at maling paggamit.

Mula pamantasan patungong lansangan, tangan pa rin ni Tan ang sulo ng UP Diliman sa kabila ng mga balakid at tangkang pagliko. Subalit hamon sa pagpapatuloy ng kaniyang liderato na lalong mapag-alab ang liyab ng UP—upang higit pang mapaglingkuran ng pamantasan ang sambayanan.

The post Mula Pamantasan Patungong Lansangan: Pagtatasa sa unang termino ni UP Diliman Chancellor Michael Tan appeared first on Philippine Collegian.


FORGED UNITIES: Assessing the performance of the UPD USC 2016-2017

$
0
0

USC assessment

■ Aldrin Villegas

Last year, the university and the country elected its new set of leaders—the University Student Council (USC) and administration of President Rodrigo Duterte, envisioning a narrative of change for UP and the nation confronted by dismal conditions.

UP may be the national university, but it does not distinguish itself when it comes to accessibility. The current full tuition rate is now at P1,500 per unit, and only 10 percent of UP students receive free tuition. Four years has passed since UP Manila student Kristel Tejada took her life, forced to file a leave of absence after failing to pay tuition and being denied of student loan.

The violation of basic rights is even more pronounced for the marginalized. In an all-out-war against the masses, the state blatantly disregards their right to life—from political violence through human rights violations (HRVs), counterinsurgency, and police brutality, to economic violence against farmers, contractual workers, and the national minorities.

It is essential for our leaders to stand their ground to protect their constituents’ interests. But when the government does otherwise, it is imperative for the USC to draw a decisive line and uphold its mandate to “defend and promote the rights and general welfare of [UP students] and the Filipino people.”

Direct response

This year’s USC brought back the militancy and firm stand of a student council (SC) on local and national issues, said incumbent USC Chairperson Bryle Leano. As the Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP) overwhelmingly won in the previous election, the STAND UP-led USC was able to use this support to forward crucial agendas within and outside UP.

Since the beginning of their term, the USC campaigned against the Socialized Tuition System (STS) and other school fees (OSFs) culminating with the call for free education. This demand was upheld systemwide, as 33 out of 35 SCs forwarded the resolution on free education in the recent General Assembly of Student Councils.

The pronouncement is crucial amid unprecedented increase in base tuition rates. In the past decade, the nationwide average tuition fees increased by 108 percent and by 143 percent in the National Capital Region, according to the Rise for Education (R4E) alliance, the broadest nationwide alliance of SCs and organizations for free education.

R4E and its campaigns were strengthened as a direct response, engaging 11 chapters and enjoining more SCs especially in Diliman. “Since R4E is a national alliance, nadadala yung local concerns sa labas ng UP to forge more unities across universities,” said incumbent USC Vice Chairperson Beata Carolino.

The USC consistently brought the discourse even in its events, such as the UP Fair. Its second night, Haraya, had a theme of free education, while other nights include the call for agrarian reform and freedom of information, among others.

The USC also became the main organizer of the Lakbayan ng Pambansang Minorya where 3,500 national minorities marched to assert their right for self-determination. However, the Lakbayanis were met with police brutality when they protested in front of US Embassy.

The state then allowed a hero’s burial for the late dictator Ferdinand Marcos. As a crucial institution that mobilized students during Martial Law, the USC did not waiver on its role by leading the mobilization condemning his burial along with other universities.

Indecisive stance

However, the USC was still criticized for basic organizational work.

It was promised that a monthly financial statement will be released, but the council is yet to furnish one. Although work within the council was well-distributed, some committees were only felt by second semester, Carolino said.

“If the [USC members] felt that they weren’t given the chance to do something, I think it speaks about their character more than the dominant parties” she added.

Beyond committee work, the USC drew the biggest flak on the issue of the UPD Students’ Magna Carta (MC). The council was silent for a time, until they were cornered by the growing pressure from the students to support the document despite oppositions within the USC. But as elected leaders, the USC should have led the discourse on the codification of students’ rights and expose its possible harm.

Coming from the BOR himself, Student Regent Raoul Manuel said there is sufficient basis to criticize the MC given the repressive nature of UP education. “Nandyan ang mga laws like the UP Charter and the Code of Student Conduct that seek to deprive the students of our basic rights. And for the MC to be enforceable, it must fit into that puzzle piece,” Manuel said.

The main criticism on MC is that its final interpreter is the BOR, which historically enacted anti-student policies. This cynicism against the BOR was raised by the USC in mobilizations and campaigns, but they failed to do the same in a crucial document that purportedly surrenders students’ rights to the BOR.

This does not mean, however, that the USC cannot forge unities with the administration. Aside from close coordination with Manuel, the USC engaged with Chancellor Michael Tan from national to university campaigns such as removing the no late payment policy.

If only the USC worked this closely on the MC, it would have made a decisive stand from the very beginning to ensure students’ rights beyond codification. The popular support for MC, beyond its implications on merits, speaks more of the dangers of indecisiveness for an institution like the USC.

Prospects and challenges

Moving forward, the USC should perform its dual role to serve the students and the people. Beyond humility to accept mistakes, the USC thrives on genuine passion and love for the university and the country in realizing UP’s mandate as the national university.

We need an uncompromising USC in times when our unity is being challenged, Manuel said. The USC forged unities across various sectors of society, which the next leadership must uphold to be a strong front against the state’s attacks.

“Mas nararamdaman ngayon ng mga mamamayan kung gaano kapasista ang administrasyon… The challenge for the next USC is to take advantage of that, dahil yung mga estudyante, gusto talaga nilang lumaban,” Carolino said.

Indeed, the USC’s historical role as the representative of the student body goes beyond projects for the university—it is imperative for the institution to extend its service to the larger community. For the All-UP Academic Employees Union, this sets apart the incumbent USC from the previous terms, President Perlita Rana said.

“Itong USC na ito, mas naging kasama namin sa mga pagkilos. Mas nauunawaan nila na magkaka-ugnay ang issue ng mga empleyado ng UP, estudyante, guro, mga kawani, at kontraktwal,” Rana added. She expects no less from the next USC, with the need for student leaders who are consistently united with their cause.

This year has been marred with issues compelling the leadership to remain resolute in an institution’s great tradition. Amid the narrative of change the government has violently imposed, UP must thrive in persistence in its role of shaping the nation.

This is not the time for the USC to falter, but the time to forge more unities for our common cause—building on the foundation of the same struggle that unite the students and the people to fight. ■





The post FORGED UNITIES: Assessing the performance of the UPD USC 2016-2017 appeared first on Philippine Collegian.

Hatol ni Kamatayan

$
0
0
Hatol ng Kamatayan

Dibuho ni John Kenneth Zapata

■ Sheila Abarra

Mga duguang larawan ng mga bangkay sa lansangan at boses ng mga pamilyang tumatangis ang pangkaraniwang agahan ng mga Pilipino sa telebisyon. Sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahigit pitong libong bilang na ang mga napatay sa ilalim ng Operasyong Tokhang nito—karamihan, mula sa mga maralitang pamayanan at tinatayang suspek pa lamang.

Bitbit ni Duterte ang pangakong pagsugpo sa droga at krimen sa loob ng anim na buwan, ngunit nananatili pa rin itong malaking isyu sa bansa kung saan malaya ang tinatayang mga druglord. Natigil lamang ang paglunsad ng giyera laban sa droga nang mabiktima ang Koreanong negosyanteng si Jee Ick-joo, ngunit sa muling panunumbalik nito, tila lulubha pa ang sitwasyon sa pagnanais ng kasalukuyang administrasyon na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Sa mismong simula ng panahon ng Kwaresma, muling naipasa ang House Bill (HB) Number 4727 o death penalty nang katigan ng 217 mambabatas ang bersyong naglalayong hatulan ng parusang kamatayan ang mga taong nasasangkot sa kaso ng droga. Unti-unting minamanhid ng estado ang taumbayan: binibilang na lamang ang mga bangkay sa tila sementeryong kalagayan ng bansa.

Garote

Nabuhay ang tao na may kamalayan na sa konsepto ng kamatayan. Makikita maging sa Bibiliya ang paglalarawan ng hatol na ito nang patawan si Hesus ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa kaniya sa krus.

Hanggang ngayon, buhay na buhay ang diwang ito tuwing Semana Santa kung saan binabalikan ang aral ng pagsasakripisyo ni Hesus bilang simbolo ng katubusan ng kasalanan ng taumbayan.

Noong unang panahon, isinasagawa ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng paglubog sa ilog at pagpaso sa kumukulong tubig para sa mga kaso tulad ng pagnanakaw at pagkakaroon ng kalaguyo kung may asawa.

Nang dumating ang mga dayuhan tulad ng mga Espanyol, bitbit nila ang kultura ng pagpapataw ng parusang kamatayan mula sa Europa. Halimbawa na lang ang makasaysayang GomBurZa na pinatay sa pamamagitan ng paggarote at si Jose Rizal na binaril sa Luneta hanggang sa mamatay.

Mga sumasalungat sa namamayaning sistema ng mga makakapangyarihan ang mga napapatawan ng parusang kamatayan. Nagpakalat si Hesus ng ideya na siya ang hari ng mga Hudyo at hindi ito naaayon sa sistema ng mga namumuno noon, gayundin, may mga akdang sinulat sina Rizal at GomBurZa na mapanghimok lumaban sa mga Espanyol.

Nagkaroon ng serye ng pagbabago sa pamamaraan ang parusang kamatayan. Sa muling pagbabalik nito, maituturing na dadanas ang mga Pilipino nang mas matinding sigalot dahil lantaran at may layong gawing ligal ang walang habas na pagpatay sa mga Pilipinong itinuturing na sangkot sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Silya-elektrika

Panahon pa nina dating Pangulong Fidel Ramos at Joseph Estrada nang huling ipagpatuloy ang pagpapataw ng parusang kamatayan. Ngunit natigil man ang palisiyang ito sa simula ng panunungkulan ni dating Pangulo Gloria Arroyo, nagpatuloy ang serye ng pamamaslang—patunay ito na hindi namamatay ang pagnanais ng mga makapangyarihan na mapasakamay ang kontrol sa kapangyarihan.

Bumugso ang biktima ng extrajudicial killings sa panahon ni Arroyo kung saan 1,206 ang napaslang, habang 333 naman sa ilalim ni dating Pangulo Benigno Aquino III. Mga karaniwang taong salat sa batayang serbisyo at aktibong kumikilos ang primaryang target ng mga pamamaslang: mga magsasaka, manggagawa, katutubo at iba pa.

Tinatangka naman ng administrasyong Duterte na gawing ligal ang pamamaslang—isa ang death penalty sa mga instrumento ng mga maykapangyarihan upang mapanatili ang opresyon sa mga mahihirap at katutubo. Layon umano ng parusang kamatayan na pagbayarin ang mga nagkakasala, ngunit hindi ito patas sa lahat ng uri dahil mahihirap na walang kakayahang lumaban ang karaniwang biktima.

Sa kasalukuyang bersyon ng death penalty, hindi kasama ang lahat ng karumal-dumal na krimen, gaya ng pandarambong at sedisyon. Nananatiling malaya samakatuwid ang gaya ni Janet Napoles na nagnakaw sa pampublikong pondo, gayundin ang mga pampublikong opisyal na sangkot sa korupsyon.

Higit pa rito, ginamit ang isyu ng parusang kamatayan ng mga makakapangyarihan upang magbalik at buhayin ang kani-kanilang pangalan at posisyon sa gobyerno gaya ng asawa ng dating diktador na si Imelda Marcos at ni Arroyo.

Kabilang sila sa hindi sumang-ayon sa pagbabalik ng death penalty bill, gayong mababakas pa rin sa bansa ang kalunos-lunos na pagpatay na iniwan ng rehimeng Marcos at pagabswelto kay Arroyo mula sa mga kaso ng korupsyong kinasangkutan nito.

Protektado pa ng aprubadong death penalty bill ng kasalukuyang administrasyon ang mga gaya nilang may kakayahang lumabag sa kasong pandarambong na wala sa panukalang batas. Sa kabila nito, tutol pa rin sila sa bill upang makuha ang simpatya ng taumbayan na karamihang tutol din. Ito ang monopolyo ng kapangyarihang nilalaro at patuloy na pinaglalaruan, kasabay ng sistema ng hustisya sa bansa.

Iniksyon

Ganap ang dikotomiya sa pagitan ng makapangyarihan at nasa laylayan ng lipunan sapagkat hayagan ang pagkatalo ng mga mahihirap na tila inaasinta ng “giyera” ng pangulo.

Droga umano ang kalaban ni Duterte ngunit malayang nakalalabas-masok ng bansa ang mga drug lords, habang patuloy na nangamamatay ang mahihirap at marginalisadong inakusahang nagtutulak ng droga.

Walang kakayahang ipagtanggol ng Pilipinong mahirap ang kaniyang sarili sa ganitong klaseng sistema, tinaniman man siya ng droga o hindi, may ransom man o wala. Hindi patas ang tunggalian kung walang kakayahang lumaban ang kabilang panig kaya walang hustisyang naibibigay sa napakaraming biktima ng paglabag sa karapatang-pantao.

Ito ang baluktot na paniniwalang pinalulutang ng kasalukuyang administrasyon dahil malayo sa hustisya ang kawalan ng pagdurusa ng maysala. Sa katunayan, mas malinaw na nais lamang gawing legal ang walang-habas na patayan.

Sa kabila nang lumalalang sitwasyon, hindi nakapagtataka kung bakit walang ganap na tuwirang aksyon ang taumbayan dahil sa kakulangan ng pag-unawa  sa konsepto ng kamatayan. Halimbawa nito si  Senador Manny Pacquiao na pabor sa parusang kamatayan sa kabila ng nananatiling ang tindig ng simbahan na hindi dapat ito ipagpatuloy sapagkat labag ito sa kautusan ng Diyos.

Kung babalikan ang nilalaman ng Bibliya, nariyan ang Semana Santa na paggunita at pag-alala sa pagkamatay ni Jesus, upang mabawasan ang mga pagkakasala. Gayunman, naiiwan lamang sa mga tradisyong gaya ng pag-aayuno ang lahat, sa halip na suriin at ikawing ang kaganapan sa kasalukuyang kalagayang panlipunan.

Sa tuwing may inang namamatayan ng anak na inakusahang tulak ng droga, lumulutang ang nakasaad sa Bibliyang hapis ng Mahal na Birhen sa namatay na si Hesus, ngunit walang nangangahas ipaglaban ang hustisya at naiiwan ang pinsala sa mga namatayan.

Nasa yugto na tayo na mas malawak ang pag-unawa sa mga isyu ng lipunan kaya naman wala ng lugar ang paurong na pamamaraan sa pagkamit ng hustisya.

Kahingian ng panahon na maging mapanuri ang taumbayan sa mga ipinapanukala  ng administrasyon. Gaya ng milyun-milyong inang nauulila sanhi ng mga pagpatay ng bulok na sistema ng hustisya, tatangis din ang Inang Bayan sa patuloy na karahasang dinaranas ng bansa. ■

The post Hatol ni Kamatayan appeared first on Philippine Collegian.

A Feast for Crows*

$
0
0
A Feast for Crows

Illustration by Chester Higuit

■ Daniel Boone

The death toll had to rise to a whopping 7,000 before President Rodrigo Duterte ordered for the temporary halting of his war against drugs. But only one month after, it was back on track, fiercer, and more violent with the military helping the police in their operations. People are continuously being killed, most of them left unidentified, aside from inscriptions on a cardboard beside their blood-soaked cadaver: drug pushers.

Yet as the staggering pace of almost 1,000 deaths per month commences, lives are being reduced to statistics. The grim reality of how the poor are easily tagged by perpetrators as drug traffickers remain untold—like what happened on August 21, 2016 in a police operation in an urban poor community in Payatas, Quezon City.

Five were shot in a small shanty. Three of them hogtied, handcuffed, shot, and immediately died. One knelt before his executioner, begged for life, but a bullet still landed on his back. The last one received gunshots in the chest but miraculously survived to tell their story: how the police came to them and claimed the lives of his friends.

Dressed to kill

Efren Morillo was a fruit vendor in a nearby town, who just visited his friend Marcelo Daa to collect money. It was 2:30 in the afternoon when seven men who said they were the police raided Marcelo’s home and searched for illegal drugs. They neither had any search warrant, nor even dressed in police uniforms, Efren recounted.

No drugs were found, Efren said, but the police handcuffed and shot them, execution style. Efren was the only one who survived, saying it was sheer dumb luck. The bullets hit the space between his ribs and his lungs, that any difference in the angle of the gun’s nozzle before the trigger was pulled would have ended up killing him.

Efren, lying face-down on the ground, playing dead, did not see how Marcelo and his friends were killed. All he knew was he heard several consecutive gunshots and one of the cops saying: “Tumawag kayo sa SOCO (Scene of the Crime Operatives) … Iwanan niyo ng shabu.”

Yet, according to the incident’s official report, the police found Efren and his friends in the middle of a pot session. This is how the cops easily justified the killings as a legitimate encounter: “nanlaban!” said Atty. Gil Anthony Aquino from Center for International Law (Centerlaw), a group of human rights lawyers.

But autopsy reports revealing the bullets were all fired downwards only indicate that the victims were all helpless when they were shot. “Ganito ka-brazen ang mga perpetrators [dahil] may quota sila every week na ito-tokhang, buhay [man] o patay,” said Atty. Cristina Antonio of Centerlaw.

Aim and shoot

All the victims were scavengers, barely making P200 every day, struggling to make ends meet. “Nagbabasura lang kami, saan [kukuha ng pang-drugs] ang anak ko?” cried Nanay Belen Daa, Marcelo’s mother. Marcelo’s family had to hold a two-week long wake to gather enough funds for his funeral.

Nanay Belen is now left to take care of Marcelo’s wife and three children, one of whom is a grade-six student who suffered from trauma upon witnessing the bloodbath inside their home. “Dapat ikinulong na lang nila kung totoong may kasalanan … Hindi pala pantay ang gobyerno. Ang mahirap lalong pinahihirapan,” Nanay Belen said.

Several months after the incident, justice remains elusive to their families. All that were killed or hurt throughout the duration of Duterte’s drug war are not merely victims of violence: they are victims of a culture of impunity perpetuated by the ones in power.

The cops that assaulted Efren and his friends remain at large despite admitting all raps filed against them in court. They were just reassigned to other units, receiving no real punishment at all, Antonio said. “[Nakikita natin] na hindi talaga [pabor] ang batas sa ordinaryong mga mamamayan,” Antonio added.

Even Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa acknowledged there are “rogue cops” and called for “cleansing” among their ranks. However, with 82 percent of Metro Manila residents feeling “safer” with the drug war according to a recent Pulse Asia survey, the police said they would continue their campaign against illegal drugs.

But the government should end the reign of impunity and hold top officials accountable if they are serious in reforming the PNP, said militant group Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) in a statement.

Reloaded

Human rights lawyers constantly help the likes of Efren in legal battles against their culprits. But with the current fashion of our justice system that favors those in power and biased against the aggrieved, filing cases in the court undoubtedly will not be the end-all and be-all of the quest for justice for the casualties of the government’s war against drugs.

“The human rights story is the victim’s story … The victims should be the locus of human rights discourse, interaction, and real action,” Antonio said.

Efren believed that PNP’s Oplan Tokhang kills only the poor, further pushing them down the margins of the society. The victims of the spate of killings include users, pushers, accused traffickers, children, and civilians, and mostly coming from the urban poor communities, according to a statement by human rights group Karapatan.

“Many of them use drugs to temporarily escape from their unaddressed problems of hunger, joblessness … The easy case that drug trade offers is too tempting for the hungry,” the group added. Duterte failed to bring the change he promised especially to the innocent victims of the killings he advocated. The only way to address the country’s perennial problem on drugs is also to address poverty that proliferates it.

For Nanay Belen, their story is never over. The war on drugs may not be over, but so is their resistance to the narrative that the government is creating—a story of struggle that is more powerful than any gun and other means of a fascist regime. ■

* Apologies to George R.R. Martin

The post A Feast for Crows* appeared first on Philippine Collegian.

BREAKING THE SILENCE: Probing the plight of the campus press

$
0
0

Campus Press

■ Daniel Boone

Journalism aims to report on issues sparking public interest while taking the side of the marginalized. Even at their young age, campus journalists have been up to this challenge–most notably during the 1970s when the majority of the press were forcibly closed.

The Philippine Collegian has been one such publication—its subversive stances and content at the time of forced censorship earned it the label of “mosquito press”. Today, during the digital age, it continues this tradition: fearless reportage to uphold the public’s right to know.

But while campus journalists strive hard to perform their mandate of promoting students’ rights and welfare, school administrators, on the other hand, pose hindrances to this. Laws have been bent to withhold funds from campus publications and halt their operations, thus suppressing not only the rights of the campus press but also of those students which the latter defends.

Kill the messenger

These kinds of campus press repression perhaps are glaringly manifested in UP Diliman (UPD), before the eyes of students of the premier state university. Amid grave issues like the Socialized Tuition System (STS) and the Electronic UP (eUP) project, the Collegian was not allowed to publish its news on print in the absence of a new contract, despite the previous contract not having been exhausted.

The administration cited provisions of the Government Procurement Act in defense of their side. Signed into law in 2003 during the term of former President Gloria Macapagal-Arroyo, the Republic Act (RA) 9184 was implemented in UP in 2006. Among its purposes was to promote transparency and accountability in the government through competitive bidding.

The law authorized government owned corporations, state universities, and other public offices to establish their own Bids and Awards Committee, forcing them to undergo a tedious, bureaucratic process of “procurement” to acquire goods and services, as what clearly stated in Section 5, Article I.

In 2006 under the term of former editor-in-chief (EIC) Karl Castro, the Collegian was unable to release regular issues as the money was inaccessible to the editorial board and cannot be used to pay for publication expenses.

“The timing was very suspect because this was the year that top University officials conspired to unleash anti-student and anti-people policies, like the 300 percent tuition increase, the restructuring of Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), and the dubious partnerships innocuously called ‘Science and Technology Parks,’” Castro said.

Before the law was implemented, the editorial board had more freedom managing the publication’s funds and was independent from the administration, he added. But now, the Collegian staff had to undergo tedious bureaucratic processes to reimburse expenses spent for the publication’s operation.

Under surveillance

The Collegian’s case, however, is not isolated in UP Diliman as other publications suffer the same. The College Editor’s Guild of the Philippines (CEGP), largest alliance of student publications in the country, in fact has recorded roughly half of their 750 member publications to have similar situation as the Collegian.

For the longest time, The Catalyst of the Polytechnic University of the Philippines (PUP) had no access to their funds. It forced them to accumulate debts from their printing press, which now amounts to more than a million pesos.

The publication may be privileged now to have their own bank account, yet they still had to undergo through the tedious liquidation processes to get their funds, News Editor Pia Ramirez said. More so, the funds from the previous terms amounting to P4 million cannot be used to pay for their debts because these funds cannot be carried over the next term.

Since the publication is the rightful owners of the funds, they should have access to it regardless of the year it was collected, said Jose Mari Callueng, CEGP National President.

Withholding of funds like what is currently done to the Collegian and Catalyst is among the most alarming forms of abridgement of the campus press freedom as dubbed by CEGP. But it is just one of the many modes of action done by the administration to instill power and suppress campus press.

Since 2010 to 2014 alone, the organization has recorded more than 800 campus press freedom violations by school administrations including looting of funds apart from withholding, intervening in the publication’s regular works, and filing cases like libel in the most extreme cases.

A UP Baguio professor filed a libel case against Jesusa Paquibot, former EIC of Outcrop which is the official student publication of the campus. The professor was offended by a satire article in a lampoon issue even despite the lack of any name mentioned in the said article, according to a CEGP report.

The University of Eastern Philippines’ The Pillar also faced alleged military harassment back in 2012 in time for the commemoration of the Maguindanao Massacre. Before and during the event, an unidentified man kept surveilling outside the Pillar’s office, once in a while taking photos and videos.

CEGP considers these cases rather appalling, saying that “most often, the easiest way to silence student publications that are valiant enough to air pro-student opinions and reports is to paralyze their operations.” On top of these are constant red-tagging of campus journalists and publication imposing surefire danger to their lives.

Breaking the silence

It is ironic that these problems persist despite the Constitution’s guaranteed freedom of the press and existing laws like the Campus Journalism Act (CJA), which was enacted in 1991 following the enforced shutting down of media outlets during Martial Law.

The law is supposed to uphold press freedom in the campus level. It even clearly states in Article IV that “the editorial board shall freely manage its funds…” but the contrast happens.

Assessments from CEGP show several provisions in the law only legalize repression of the campus press. Aside from other terms, the law does not even penalize school administrators that violate their press freedom (see sidebar).

“Talagang pinipilit ng admin na supilin ang campus press. Sa pamamagitan ng capitalist educators and administrators, nagagamit ang CJA to suppress campus press freedom. [Pero dapat] nating i-assert ang inherent right [sa] loob ng campus na makapagbalita nang malaya,” said former CEGP Chair Marc Abila.

The administration’s unjust actions perhaps only manifest what they try to achieve–silenced campus publications that fear them. And a way to counter this fear and uphold the task of giving voice to the voiceless is to amend the existing law and pass an act that genuinely promotes campus press freedom.

For the third time on July 25, Kabataan Partylist submitted the Campus Press Freedom Bill (CPFB) in the House of Representatives. It aims to iron out the flaws of the existing law by fostering a free and more democratic atmosphere, essential for campus publications to perform their duties.

“[Panawagan natin] na maipasa ang CPFB [dahil] mahalaga ang papel na ginagampanan ng campus press para ipanawagan ang democratic interests ng mamamayang Pilipino,” added Abila.

Now that the mainstream media has been merely the apparatus to preserve the status quo and protect nothing else but the interests of the ruling elite, strengthening the rights of campus publications has never been as timely. Despite glaring circumstances, campus journalists should not falter, especially in upholding their mandate–to promote the welfare of students and provide space for the marginalized. ■

SIDEBAR 1

SIDEBAR 2

SIDEBAR 3

The post BREAKING THE SILENCE: Probing the plight of the campus press appeared first on Philippine Collegian.

Brand Recall

$
0
0

Tatak UP

■ SB D. Afable

Iisang tatak lang ang sumisigaw sa hili-hilerang mga t-shirt, shorts, at hoodie sa Shopping Center. Mabibili rin ang ID lanyard, ballpen, backpack, keychain, relo, sticker, pin, tasa at marami pang iba—ano pa’t ‘di malayong magbenta ng sabon o underwear? Samu’t sari at tingi-tingi, ngunit nag-iisa ang kanilang tatak: UP.

Kung balwarte rin lang ng mga simbolo at branding ang pamantasan, magsisimula tayo sa SC, kung saan unang mabibili ang laksa-laksang produktong tatak UP. Animo’y isang signature brand, tinatanaw na katangi-tangi ang UP, at ikinakabit ang karangalan nito sa napakaraming bagay.

Ngunit tulad ng isang t-shirt, may presyo at hindi libre ang tatak UP—madalas pa ngang bansagang mayabang ang mga mag-aaral nito. Ito ay dahil pangarapin mang suotin, hanggang tanaw na lamang ang tatak na ito para sa mas nakararaming walang kakayahang bumili sa ipinagmamalaking tatak ng UP.

Pamantasang hirang

Kinikilala ang UP dahil humubog ito ng mahuhusay na pinuno, dalubhasa, at propesyonal. Ito ang “brand recall” ng UP, “matatapang, matatalino” ayon sa madalas na chant ng UP tuwing paligsahan sa UAAP.

Pero totoo ba? Dahil habang ipinagmamalaki ng pamantasan ang husay at dangal nito, kaliwa’t kanan naman ang pagbibigay-pugay nito sa kapangyarihan at salapi. Kamakailan lamang, tinangkang gawaran ng Board of Regents si Pangulong Rodrigo Duterte ng honoris causa—ang pinakamataas na parangal na maaaring ihandog ng UP sa isang indibidwal.

Para sa mga mag-aaral ng UP, insulto sa husay at dangal ng pamantasan ang pagpaparangal sa pangulong hayagang sumasagasa sa karapatang pantao, at nagpalibing sa isang diktador na kumitil sa buhay ng magigiting na lider-estudyante ng UP noong panahon ng Batas Militar.

Ngunit hindi ito ang unang pagkakataong pinarangalan ng UP ang ilang indibidwal sa kabila ng mariing mga pagtutol. Ilang nagdaang pangulo ng bansa na rin ang tumanggap ng honoris causa sa harap ng kanilang mga kaso at paglabag sa karapatang pantao.

Pagpaparangal din sa mga negosyante ang hayagang pagyakap ng pamantasan sa kanilang mga interes. Ilang gusali sa unibersidad ang ipinangalan sa malalaking kapitalista dahil sa kanilang donasyon, tulad ng pagpapalit ng pangalan ng College of Business Administration sa “Virata School of Business” at Henry Sy Hall sa bagong kampus sa Taguig.

Hinuhulma ang tatak UP para sa mga pribadong “shareholder” nito. Naging anyo ng komersyal na oryentasyon ang pagpasok ng UP Town Center at UP-Ayala Technohub sa mga espasyo ng unibersidad.

Dahil sa mababang suporta ng pamahalaan sa edukasyon, natutulak ang mga pamantasang lumikha ng sariling pondo, at mas pinipili ng UP na maging isang negosyo. Kasabay ito ng pagbabago ng karakter ng UP bilang pambansang pamantasan.

UP naging mahal

Labis na nagbibigay-diin ang UP sa kultura, tradisyon at branding nito. Isang “inside joke” pa nga ng ilang mga propesor at mag-aaral nito ang pagtawag sa ibang pamantasan bilang “others.” Ngunit sa totoo lang, UP ang “others” para sa mas nakararaming walang kakayahang tumuntong sa pamantasan.

Madalas pa ngang nabibigla ang ilan, tulad ng mga taxi driver, tuwing nalalamang pampubliko, at hindi isang pribadong pamantasan ang UP. ‘Di ito nakapagtataka dahil may presyo at hindi mura ang edukasyong “tatak UP.” Sa pamamagitan ng Socialized Tuition System, kakarampot na diskwento lamang ang ibinibigay ng pamantasan sa mga mag-aaral nito.

Habang ipinagmamalaki ng pamantasan ang kaniyang “tatak UP,” ligid pa rin ang kahulugan nito sa napakaraming kontradiksyon. Pilit na nagre-“rebrand” ang UP para sa interes ng iilan.

Makailang ulit nang binanggit ang Tatak UP sa diskusyon ng General Education (GE) reform. Para sa ilang tagapagsulong ng reporma, GE ang pundasyon ng Tatak UP, pero balintuna rito ang kanilang panukalang bawasan ang mga yunit ng GE.

Porma ng rebranding ng UP ang pagreporma sa GE nito. Binalangkas noong 2001 ang umiiral na GE program sa tunguhing magpanday ng makabayan, kritikal at holistikong pundasyon ng edukasyon sa UP. Ngunit sa dagling pagrereporma ng GE kamakailan, pilit itong nililihis mula sa mga layuning ito.

Hindi itinatanggi ng nagdaang administrasyong Pascual na programang K to 12 at “internasyonalisasyon” ang pangunahing dahilan ng GE reform. Katumbas nito ang mababang suporta sa arts and humanities ng pamantasan, tungo sa mas “teknokratik” na branding nito—isang edukasyong inilalako sa mga dayuhan at korporasyon.

Sa harap ng mga palisiyang ito, isang mito ang pagpaparilag sa UP bilang isang institusyong namumuhunan sa dangal at husay nito. Ngunit hindi sagrado ang anumang mito. Kasabay ng pagpapanday sa mito ng “tatak UP” ang pagtaliwas at pagnanais ng malaking komunidad ng UP na baguhin ang branding ng pamantasan.

Sagisag magpakailanman

Nakaharap ang Oblation sa kanluran upang magbigay-pugay sa Estados Unidos sa pagtatatag nito ng UP, na nilayong gawing instrumento ang UP para sa kolonyal na interes. Ilang dekada makalipas, pangungunahan ng lumalawak na aktibismo sa UP ang pagtutol sa mga base militar ng US. Umigting ang pagkilos ng mga kabataan noong batas militar, at naging kasama ng sambayanan ang UP sa pagpapabagsak sa rehimeng US-Marcos.

May dalawang mukha ang UP: bagaman isa itong institusyon na nilalayon ng estadong lumikha ng mga dalubhasa’t propesyunal para sa interes nito, patuloy na iginigiit ang isang UP na sumasalungat sa agos—isang UP na may potensyal na bumasag sa mga mito.

Ang kritikal at makabayang branding ng UP ay bunga ng panggigiit ng mga mag-aaral at ng komunidad na bumubuo nito, at hindi likas na katangian ng institusyon. Bilang isang “ideological state apparatus,” pilit na huhubugin ng mas malalaking puwersa sa lipunan ang oryentasyon ng pamantasan para sa kanilang interes.

Inaasahan ng estado ang pagiging disente at sibil ng mga taga-UP, ngunit pilit itong hinahamon ng mga mag-aaral nito. Binansagan itong “hooligan” at “bastos” nang batuhin nito ng itlog, tapunan ng barya, o kuwestiyunin ang mga tiwali sa pamahalaan.

Ang tatak na nililikha ng maraming mag-aaral at miyembro ng UP ay hindi pagsasa-ideyal sa toreng garing na nililikha ng pamantasan, kundi mismong pagtibag sa toreng ito. Pagbubukas ito ng espasyo ng unibersidad sa mga itinuturing nitong “others.”

Minsan nang binuksan ng UP ang espasyo nito para sa mga pambansang minorya noong mga nagdaang taon, at kasama nilang nanawagan para sa hustisya at kapayapaan. Ilang mag-aaral na rin ng UP ang piniling magturo sa liblib na paaralan ng mga Lumad sa Mindanao.

Pagtupad ito sa tungkulin ng UP na maging tunay na pamantasan ng bayan—higit kaysa isang tatak na hitik sa mito, at edukasyong umiikot lamang sa kapital at tubo. ■

The post Brand Recall appeared first on Philippine Collegian.

SYSTEM AT FAULT: Probing the Philippines’ disaster preparedness

$
0
0

The Big One

■ Aldrin Villegas

The cracks are about to move—the West Valley Fault (WVF) is on the verge of unleashing “the big one,” an impending earthquake expected to hit parts of Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, and Metro Manila. The fault moves roughly every 400 years, and the time is ripe for another potential rupture.

Once it occurs, the effects can be more devastating in a highly urbanized and densely populated setting (see sidebar). In a worst-case scenario, the expected 7.2 magnitude quake could cause over 37,000 fatalities, 605,000 injuries and almost P2.5 trillion in economic losses, according to reports from the Greater Metro Manila Risk Analysis Project.

An earthquake can strike without warning and wreak havoc, but the quake itself does not kill. The grounds will tremble because of the fault, but the crux of a national disaster lies in a system at fault.

Vulnerability

As a country located along the Ring of Fire, a region in the Pacific where much earthquakes, typhoons, and volcanic eruptions occur, the Philippines is under constant threat of natural disasters. What makes the expected WVF earthquake “the big one” is the country’s vulnerability—projected to be worst of all disasters in terms of damages and casualties.

The estimated 37,000 deaths are way higher than the 8,000 lives claimed by the deadliest recorded earthquake, which occurred in Mindanao in 1976. “The big one” also projects the same 7.2 magnitude as the October 2013 Bohol earthquake, but the latter’s casualty stood at 222 lives.

Vulnerability is the human dimension of disasters. Beyond the natural causes, disasters result from compounded social, economic, and political factors that shape people’s lives, according to Asst. Prof. Victor Obedicen of UP College of Social Work and Community Development. Inequalities plague these factors, with the poor being more vulnerable in times of disaster.

“Historically, ang talagang biktima ng mga disaster ay mahihirap. Nasa danger zones sila, kulang sa resources para sa maayos na bahay, kulang sa kaalaman kasi walang access sa edukasyon,” Obedicen said. This further manifests the perennial structural and institutional problems that are yet to be addressed, he added.

Disaster preparedness is thus linked to the project of development, as problems of poverty and inequality are even more pronounced in provinces and local communities. As such, the government must recognize the varying needs of communities and validate the effectiveness of standard policies, according to Emmanuel Garcia of UP Department of Geography.

“National policies should be coupled with local initiatives to fit in the [locality’s] defined hazards. Kailangang pag-aralan ‘yung unique characteristics ng community para mailapat sa social reality,” Garcia said.

Blunders

While natural disasters may strike without prejudice, the path to recovery is much less equal. The very institutions that should provide capacities for the vulnerable sectors are likewise the ones that make them only vulnerable.

“We can’t just be battling against disasters without knowing how our history unfolded,” UP Resilience Institute Director Mahar Lagmay said. Although natural disasters frequently occur in the country, the past records of disaster preparedness and response have been dismal.

Government response in the Bohol earthquake in 2013, for example, was criticized by then Mayor Leoncio Evasco of Maribojoc town because of delayed assistance. A year after the earthquake, Evasco said the “policy side” of rehabilitation was reached but actual implementation was slow.

Three weeks after the quake, the country was lashed by super typhoon Yolanda—the strongest typhoon recorded in Philippine history. The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) admitted that they were unprepared for such scale of devastation, leaving over a thousand missing and 6,340 fatalities, feared to be more.

Various groups criticized the government’s blunders in responding to the situation. According to the United Nations, thousands of families were forced to relocate to evacuation camps with many living in shanties, often without power or water. “It is a demolition, not a construction job,” CNN anchor Anderson Cooper said in his Yolanda coverage, slamming the disorganized aid operations in affected areas.

These events necessitated institutionalizing reforms in existing DRRM laws and programs such as Republic Act 10121, which shifted disaster framework from “relief and response” to “risk reduction and management.” Such programs are essential components now of city and municipality development plans, which better cope with the locality’s hazards. However, a lot still needs to be done in terms of implementation, Lagmay said.

 

Development

Disaster management is an integral part of development and should not be treated as a separate discipline. Community-based DRRM should be practiced in line with development by the people, for the people, and with the people, in the form of participatory and inclusive governance.

“Ibig sabihin nito, makikipamuhay ka sa kanila—angkinin mo ang aspirations, pangarap, at pamamaraan ng pamumuhay para mainitindihan at magagap mo bakit ganito [ang sitwasyon nila],” Obedicen said.

This enables the conception of a structured approach for communities to better fit their realities, especially for the poor that almost live under permanent conditions of disaster. In order to survive this harsh reality on a daily basis, the poor must have a sense of contingency—which they do—but the government still has a lot of work to do to strengthen their capacity.

Responding to “the big one” requires a bigger perspective in understanding the multidimensionality and root of the problem. One is that the vulnerability of people in the densely populated metropolis is linked to development issues in the provinces.

People from other regions migrate to the capital, seeking economic opportunities and social services that they may be deprived of back at home.  Some are forcibly displaced because of land eviction, land grabbing, and even political persecution like those in conflict areas, Obedicen added.

“The communities are the primary victims of disasters, but they are also the primary responders to it,” Garcia said. We should not assume that communities start from zero, that they have no level of capacity and recourse, according to Obedicen. A bottom-up approach is thus necessary to understand how people survive despite living in dangerous zones and harsh conditions.

Beyond this, the goal of development should be to change these conditions to pave the way for resilience—free from systemic and structural inequalities that make the people vulnerable in times of disasters.After all, the people are the ones in the frontline when disaster ensues—the ones who suffer when a system is at fault, the ones who stand their ground when the cracks begin to move. ■

The post SYSTEM AT FAULT: Probing the Philippines’ disaster preparedness appeared first on Philippine Collegian.

Sa Piling ni Nanay*

$
0
0
sa piling ni nanay4

(Kaliwa: Erlinda Cadapan; Kanan: Concepcion Empeño) Mga kuha ni Chester Higuit

■ Aldrin Villegas

Madaling araw noong ika-26 ng Hunyo, 2006, dinukot sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno sa Hagonoy, Bulacan ng mga miyembro ng 7th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines. Kapwa estudyante ng UP Diliman, nagsasagawa noon ng fieldwork sina Sherlyn at Karen sa komunidad ng mga magsasaka. Pinaghinalaan silang mga miyembro ng New People’s Army, kaya’t dinakip at tinortyur sila ng mga militar.

Makalipas ang 11 taon, hindi pa rin sila natatagpuan, gayundin ang mailap na hustisya. Ito ang kwento ng mga naglaho, dinahas, at sapilitang winala ng gobyerno. Ito ang naratibo ng paglaban—ang patuloy na paglalahad ng kwento ng mga desaparecidos, mula mismo sa kanilang mga ina.

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw

Concepcion Empeno:

Masayahing bata si Karen. Mahilig siyang kumanta at sumayaw. Kinder pa lang ‘yan, marunong na siyang magbasa dahil tinuruan ng papa niya. Mahusay din siya sa pag-aaral–valedictorian siya sa elementarya, at nakapasok sa special science class pagdating ng high school sa amin sa Iba, Zambales.

Dahil marunong siyang maggitara at keyboard, elementarya pa lamang ay kumikita na siya sa pagtugtog sa mga birthday, sayawan at handaan. Kaya naman naipasa niya sa UPCAT ang kurso sa Conservatory of Music. Nang nakapasok siya sa UP, pati ako ay pumipila para sa enrolment at validation.

Pero pagkatapos ng araw na iyon, umiiyak na siya sa akin. Sabi niya, “Mama, ayaw ko na sa music.” Tinanong ko kung bakit. Gusto na raw niyang lumipat sa social science, BA Sociology. Mahilig din kasi si Karen magbasa tungkol sa pulitika, at makipagdebate kasama ang kuya at papa niya tungkol sa mga problema ng bayan.

Sinuportahan ko siya sa gusto niyang kurso. Sa first year niya, sa Kalayaan siya nagdorm. Kasama na rin sa bayad namin ‘yung pagkain, pero after a while sabi ni Karen, “Nakakasawa na ang pagkain. Ma, d’un nalang ako sa Sampaguita.” Pagkatapos noon, tumira rin siya sa labas ng UP kasama ang mga kaibigan niya.

Dahil malayo ang Zambales, occasional lang ang pag-uwi ni Karen—kapag pasko, kapag may birthday kung minsan, pero kadalasan, ako ang pumupunta sa UP. Lagi ko rin siyang tinetext at tinatawagan para kumustahin. Nag-aaral naman siyang mabuti, pero noong graduating na siya, nabigyan siya ng “incomplete” sa kanyang thesis writing.

Para sa thesis niya, nangangalap siya noon ng mga awitin ng peasants. Isa ito sa mga dahilan ng pagpunta niya sa Hagonoy, Bulacan. Sabi pa ng adviser niya, risky yung kaniyang thesis.

Isang araw, Martes, may tumawag sa akin, si RC ng Pinoy Weekly: “Nanay, anong maiutulong namin?” Sabi ko, “Bakit, anong tulong? Anong nangyari kay Karen?” Nawawala raw. Binigyan ako ng contact number ng Karapatan. Kinabukasan, sinabi nila ang mga detalye sa pangyayari pero hindi pa ako nakarating ng opisina ng Karapatan noon dahil principal ako sa elementary school sa amin. Sa school meeting namin, wala na ako sa sarili, di ko alam ang gagawin ko.

Pinapunta ko nalang ang kuya niya sa Maynila. Dumiretso rin siya sa Bulacan, at doon niya nameet si Nanay Linda Cadapan. Sabado na ako nakasunod; sinundo kami sa opisina ng Karapatan, at ininterview kami sa Umagang Kay Ganda. Yun na ang simula ng pagpapalagi ko sa Maynila magmula nang sila Karen at Sherlyn ay mawala.

Naaalala ko pa ‘yung huling beses na umuwi si Karen dito. Magdamag kaming nag-iyakan at nagyakapan. Sabi ko uuwi siya sa birthday niya. “Opo mama,” sabi niya, at saka, ikakasal kasi ang kuya niya sa December. Binilinan ko pa siya na sana makapagtapos na siya.

Heto ngayon, ang naiwan sa akin ay ang graduation picture niya. Kinuha ko sa dorm, naka-kwadro pa ‘yong picture na nakatoga siya ng UP. Binigyan din niya ako ng album na ginawa niya, clippings mula pagkabata hanggang sa pagdadalaga. Dala-dala ko lagi ang mga larawang ‘yun.

Matagal na rin naming natanggap, pero hindi kami makalimot. Nawawala siya pero lagi-laging isasabuhay ang kwento niya. Madalas akong iniimbitahan magsalita tungkol sa human rights. Nakapunta na rin ako sa Europe for 3 months dahil sa Amnesty International. Nagsalita ako sa mga universities sa London, France, Germany, at Netherlands tungkol sa pagdukot kay Karen, at sa kalagayan ng mga katulad niya sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, naghihintay pa rin kami. May pag-asa pa rin kami na darating siya sa buhay namin, na makakamit namin ang hustisya. Hangga’t buhay ako, hindi ako titigil lumaban.

Sa piling ni nanay, langit ay buhay

Linda Cadapan:

Matalinong bata si Sherlyn o Nenen kung tawagin namin. Mula elementarya, nagkaroon siya ng honors at aktibo siya sa mga school activities tulad ng declamation at sayaw. Nakapasa rin siya sa UP Rural High School sa Los Banos. Doon, naging scholar siya as International Junior Researcher ng IRRI (International Rice Research Institute) hangang sa makapagtapos.

Magaling din siya sa sports. Pagdating niya ng third year high school, naging atleta si Nenen—100 meter dash, 200 meter dash. Nakapasok nga siya sa Palarong Pambansa noong 1993 sa 100 meter dash, at nanalo ng second place.

Pagdating niya ng kolehiyo, pumasok siya sa UP Diliman bilang varsity scholar sa College of Human Kinetics. Hindi niya pinabayaan ang pag-aaral hanggang sa matapos niya ang certificate program at tumuloy sa Sports Science. Dahil ang Sports Science ay may anatomy of human beings, sinabi sa akin ni Nenen, “Ma, gusto kong mag-continue sa medicine.” Kaya lang, hindi sapat yung pera namin para mapag-aral ko siya sa kursong iyon.

Sa kolehiyo niya, may isang beses na naging representative siya sa Student Council. Sa palagay ko, doon siya nagsimulang maging mulat sa mga isyu, at doon na rin nagsimula ang kaniyang aktibismo. Tapos noong 2005, umuwi siya sa bahay para magpasko sa Laguna. Umalis siya ng January 2006, hanggang sa pumunta siya ng Bulacan.

June 25 ng gabi, nakausap pa niya yung tatay niya, at sabi niya, pauwi na raw siya. Nakipagkwentuhan pa siya sa isa niyang kapatid. Binalita niya, “Si mommy madadagdagan na naman ng isang apo.” Doon ko nalaman na buntis siya. Dapat, June 26, pupunta siya sa doktor para magpacheck-up. Pero dinukot siya nang araw na iyon, at simula noon, napakarami nang nagbago sa buhay namin.

Unang-una, naapektuhan ‘yong hanapbuhay namin. Hindi kami makapaghanap ng trabaho sa regular na paraan—kumikita ako noon sa mushroom production na kailangan ng maraming oras. Pero halos lahat ng oras ay ginugol ko sa paghahanap sa aking anak, kaya nawalan ako ng pinagkukunan ng panggastos.

Sa loob ng pitong taon, very aggressive kami sa paghahanap, palipat-lipat kung saan may marinig na namataan daw si Sherlyn. Tumagal nang tumagal at hindi namin siya mahanap. Lagi ring may hearing ng kaso halos kada buwan, pero hindi naman mahuli si Palparan.

Isang madaling araw, tumawag yung isa kong anak. “Ma, buksan mo ‘yung TV. Nahuli na raw si Palparan.” Napahagulgol ako sa iyak dahil nahuli na ‘yung salarin. Pero ‘yung masakit, nasaan naman ‘yung aking anak na hinahanap ko? Saan nila dinala? Bakit ayaw pa nilang ilabas? Hanggang ngayon, wala kaming ideya—buhay pa ba siya, at anong ginawa nila sa kanya?

Ngayong nakikita ko na si Palparan sa mga hearing, naiinis ako sa trato sa kanya. Nakasakay siya sa magarang sasakyan, at nakapalibot ang apat na militar. Hindi ko mainitindihan kung bakit ganoon ang proteksyon sa kanya ng pamahalaan.

Ngayong ika-11 taon ng pagkawala ni Sherlyn, ganyan na naman ang maiisip ko: ganito ba talaga ang gobyerno? Nangyari ito nang panahon pa ni Gloria Arroyo. Akala ko, makakatulong din si Noynoy Aquino, pero wala rin pala. Hindi rin ako umaasa kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil mas mahal niya ang militar at kapulisan kaysa sa mamamayan.

Ang aming mga anak, sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno, ay mga iskolar ng bayan. Marahil kung nakapagtapos sila ng kurso o kahit hindi man, nakakatulong na sana sila sa ating mamamayan sa mahabang kasalukuyan.

Para sa aking anak, Sherlyn, kung nasaan ka man, ang iyong mga magulang, mga kapatid, kamag-anak, at mga kaibigan, ay lagi kang hinahanap. Sana, dumating ang araw na magkita-kita tayo, bago pa man bawiin ang aking buhay ng maylikha. ■

Pasintabi kina Lucio San Pedro at Levi Celerio

The post Sa Piling ni Nanay* appeared first on Philippine Collegian.


Paglilinis

$
0
0

online illus_20-21_tula 1 jpg1

■ Sheila Abarra

Nakasanayan ko na,

ngunit iba ang araw na ito,

wala dapat kikilalaning

alikabok ang mga sulok

ng dingding.

Araw-araw akong

naglalaba

para may makain kami ni Buknoy.

Napakasakit bilang isang panganay

ang makitang mamulot ng plastik

ang bunsong kapatid

para lang sa isang pakete ng noodles.

Matagal na rin kitang inalisan

ng karapatan bilang

ina ko.

Dahil sana

nandito ka,

ngunit iniwan mo na

kami, maging ang katawan mo,

dumating ka rito

upang iyakan,

dumating ka rito

upang maging rason

sa inumagang

kapihan at tong-itan,

dumating ka rito

upang tuluyang mawala.

Hindi ko naman alam Stella,

kung bakit, ngunit wala na akong

balak alamin.

Sapat na ang bulong-bulungan

na pinatay kang walang sala.

Kasama ng daan-daang

dinaanan ng

naglipanang

bomba.

Sapat na ang mga

liham mo

para sa amin

na kasabay mong

iniuwi rito sa Maynila

Nababasa ko ang

pagtapik mo sa amin

ni Buknoy sa bawat pagtulog,

nababasa ko ang mga halik,

at pagiging ina mo.

Ngayong gabi

ang huling lamay.

Aalisin ko ang

kahapon na naglambitin

sa kisame.

Hindi na maaalala,

dahil lumot na

lamang sa alala

ang babara sa lababo.

Wawalisin ko ang sala,

ilalim ng telebisyon,

aparador at lamisita.

Dadakutin ang anumang

dumi.

Pupunasan ang ibabaw

ng mga tukador

upang hindi dumikit

ang gabok.

Hilod sa bawat sulok

at saka muling

uulitin ang pagpupunas.

Pagkatapos, wiwikain

sa aking sarili:

malinis na,

malinis na ang lahat. ■

The post Paglilinis appeared first on Philippine Collegian.

Pamantasan ng Bayan

$
0
0

Lathalain

◢ DANIEL BOONE

“[T]he honor due any profession is to be judged alone by the measure of its services to the people…” — Murray Bartlet, Unang Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas

Sa mahigit isang siglong pag-iral, naging pandayan ang UP ng ilan sa pinakatanyag na lingkod-bayan: mga taong naging instrumento sa pagguhit ng kasaysayan at pagbabago ng lipunan. Ngayon, nananatiling mandato sa mga bagong Iskolar ng Bayan na gamitin ang lahat ng natutunan upang maglingkod sa sambayanan, lalo na sa mga inaapi at mga nasa laylayan.

Ito ang tungkuling matapang na tinupad ng mga dating mag-aaral ng UP na sina Chad Booc at Kenneth Cadiang, mula sa Kolehiyo ng Inhinyeriya at Kolehiyo ng Edukasyon. Noong 2016, nagpasya silang ibahagi ang mga natutunan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga batang Lumad sa Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV).

‘Tinig ng masa ang siyang lagi nang pakikinggan’
Ibinabandila ng karamihan sa mga produkto ng UP ang angking husay bunga ng kalidad ng edukasyon sa pamantasan. Nananatiling pinakamahusay na paaralan sa bansa at isa sa pinakamagaling sa Asya ang UP, ayon sa pinakahuling tala ng QS World University Rankings, isang institusyong nakabase sa United Kingdom at nagsusuri sa mga unibersidad sa buong mundo.

Hindi kataka-takang daan-daang kumpanya ang naghahanap ng mga may angking talentong pinanday ng ilang taong pag-aaral sa UP. Iba pa ang usapan para sa mga tumatanggap ng matataas na karangalan, tulad ni Chad na grumadweyt bilang cum laude.

Ngunit higit pa sa pagkamit ng matataas na marka ang lalong pagpapalalim ng pag-unawa sa lipunan sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa masa. Sa kaso ni Chad, hindi naging hadlang sa kaniya ang dami ng pang-akademikong gawain upang makipamuhay at alamin ang sitwasyon ng iba pang sektor sa lipunan.

Pagkagradweyt sa UP, hindi nagpakulong si Chad sa makipot na espasyo ng pribadong opisina. Bagkus, tumungo siya sa Mindanao upang makisalamuha, magturo, at matuto sa komunidad ng mga Lumad. Para sa kanya, nararapat lamang na ibalik sa sambayanan ang lahat ng natutunan sa loob ng pamantasan.

“Laging sinasabi sa ating mga Iskolar ng Bayan ang mga katagang, ‘paglingkuran ang sambayanan’ … At alam ko na sa pagtuturo sa mga Lumad, tunay kong maisasabuhay ang motto nating iyon,” ani Chad.

‘Dito maglilingkod sa bayan natin
Inspirasyon ni Chad ang mga batang Lumad na una niyang nakilala noong 2015 sa Manilakbayan. Humigit-kumulang 700 Lumad ang tumungo noon sa Maynila upang ipanawagan kay dating Pangulong Benigno Aquino III na itigil ang pandarahas sa kanilang komunidad.

Pinaslang ng mga grupong militar at paramilitar noong 2015 ang tatlong lider-Lumad, kabilang si Emerito Samarca na direktor ng ALCADEV at Dionel Campos na isang guro.

Ngunit hindi alintana ni Chad ang takot. Tumugon siya sa hamon na paglingkuran ang pambansang minorya bilang guro sa paaralan ng mga Lumad.

Itunuturo ni Chad ang Matematika at Agham sa mga nasa sekundarya. Magaling man siya sa mga asignaturang ito, nahirapan pa rin si Chad lalo na sa unang buwan ng kanyang pagtuturo. Malayo sa pamilya at sa maginhawang buhay sa Maynila, malaking pagbabago para kay Chad ang mamuhay sa mismong komunidad ng mga Lumad.

Kakabit ng desisyong ito ang panganib sa seguridad matapos ang serye ng pandarahas sa kanilang komunidad. Kwento ni Chad, hindi madaling ipaintindi sa kanyang mga magulang ang piniling landas, subalit sa kanyang determinasyon ay napapayag niya rin sila kinalaunan.

Nahikayat pa ni Chad kanyang ama na magtungo sa ALCADEV upang masaksihan nito ang tunay na kalagayan ng mga Lumad, at ang pangangailangan ng paaralan sa mga guro. Matapos nito ay naging bukas ang isipan ng kanyang mga magulang upang payagan siyang magturo sa Mindanao.

‘Silangang mapula, sagisag magpakailanman’
Itinatag ng mga Lumad ang ALCADEV para mismo sa mga Lumad—lapat ang kanilang kurikulum sa kanilang kultura at pangangailangan. Bago itatag ang ALCADEV, 20 kilometrong lakaran ang binubuno ng mga bata upang makapag-aral sa pinakamalapit na paaralan.

Isa lamang ang ALCADEV sa mga paaralang Lumad na hinuhubog ang mga mag-aaral upang maging katuwang sa pagpapaunlad ng komunidad. Kumbaga, ayon naman kay Kenneth na isa ring guro ng ALCADEV, makabayan, siyentipiko, at makamasa ang oryentasyon ng kurikulum ng paaralan.

“Tumutugon [ito] sa pangangailangan ng komunidad na kinapapalooban nito. Ang natututunan ng mga estudyante ay agad na naisasapraktika sa komunidad,” aniya. Iba rin ang pagtanaw ng mga Lumad sa kasaysayan dahil may matatag na lipunan na sila bago pa man pumasok ang mga mananakop. Malinaw nilang nailalatag ang nagdaang panahon base sa karanasan ng mga nakaraang henerasyon.

Agrikultura naman ang isa sa pangunahing itinuturo sa ALCADEV dahil mga magsasaka at manggagawang bukid ang karamihan sa mga Lumad. Maaari ring lumahok sa gawaing bukid ang mga mag-aaral upang lalo nilang maunawaan ang mga pinag-aaralan.

‘Ating ipaglaban, laya ng diwa’t kaisipan’
“Iba ito sa kasalukuyang oryentasyon ng kurikulum sa DepEd na madalas ay hiwalay sa tunay na pangangailangan ng bansa,” ani Kenneth.

Aniya, karaniwang iginigiya ng kurikulum ng DepEd ang mga mag-aaral upang maging murang lakas-paggawa para sa malalaking kumpanya. Hindi itinuturo sa isang pampublikong hayskul sa probinsya ang mga aralin na magagamit sana upang paunlarin ang lokalidad. Samantala, nakaangkla ang kurikulum ng ALCADEV sa pagtugon sa lumiliit na bilang ng guro, magsasaka, at manggagawa sa komunidad.

“[Ang mga mag-aaral ng ALCADEV ay] may kagyat na pagsasapraktika sa mga natututunan sa klase, may siyentipikong pamamaraan sa pagsusuri sa lipunan at kolektibo ang pagbabahagi ng kaalaman sa loob at labas ng classroom,” dagdag ni Kenneth. Panahon na rin, aniya, upang maging ganito ang oryentasyon ng kurikulum ng DepEd.

Gayunman, hindi madali ang magturo sa ALCADEV lalo pa’t nakapataw pa rin ang Batas Militar sa Mindanao, kwento ni Kenneth. Kaya naman daan-daang Lumad ang muling tumulak pa-Maynila ngayong buwan para sa taunang Lakbayan upang ipanawagang itigil ang pamamaslang at tuluyang magkaroon ng kapayapaan sa kanilang lugar.

‘Mabuhay ang lingkod ng taumbayan’
Sa kabila ng umiigting na krisis at banta ng terorismo sa Mindanao, hindi binitawan ni Chad, Kenneth, at mga kasamang volunteer teachers ang tungkuling magturo sa mga Lumad. Para sa kanila, lalong hindi dapat iwanan ang mga batang Lumad sa harap ng lumalalang sitwasyon.

“[T]alagang sinisiguro [ng mga bata] na babalik pa kami para magturo. Takot sila na mawalan pa ulit ng guro tulad ng nangyari noong una na halos nangalahati ang bilang ng mga academic staff. Lagi din nilang sinasabi sa amin na mag-imbita pa raw kami ng mas marami pang taga-UP para magturo doon,” ani Chad.

Nagsisilbing inspirasyon ang kwento nina Chad at Kenneth upang gamitin ang karunungan sa pagtulong sa mas higit na nangangailangan. Nananatili ang hamon, hindi lang sa mga nagsipagtapos, kundi pati sa mga bagong papasok sa pamantasan na paglingkuran ang sambayanan.

“[Magagawa ito] kung handa na tayong isantabi ang pansariling interes para sa interes ng nakararami at [ng] mga inaapi,” ani Chad.  

 

*Hango sa UP Naming Mahal, bersyon nina Gary Granada, et. al.

 

 

The post Pamantasan ng Bayan appeared first on Philippine Collegian.

The wheel of (mis)fortune

$
0
0

Features

■ Jose Martin V. Singh

There is a succession of events called history, and the cycle just goes on. History, however, does not repeat itself; it rolls on like a wheel trampling on the surface of our rough existence in hopes of smoothening it. It happens within us, in our families, and in our society.

In celebration of the Birth Centennial of National Artist for Literature Nick Joaquin, Fathers and Sons / Mga Ama, Mga Anak (Filipino translation by Virgilio Almario and Jose Lacaba) is staged by the UP Playwright’s Theatre (UPPT). During the Marcos dictatorship, he came up with the manuscript for the play Fathers and Sons—which is adapted from his short story “Three Generations.”

“Honoring Defiance” this theater season, UPPT trains renewed light on the Joaquin classic. It finds significance today as the patriarchal cycle continues to thrive in Philippine society. The play is under the direction of Dulaang UP founder Antonio “Tony” Mabesa.

Crossroads of history
Lights out, the stage is set, and one is transported into an old mansion of a once famous Caritela King named Zacarias Monzon (played by Menggie Cobarrubias). In the weary household arise issues stirred by the unrelenting search for the true dignity and identity that eludes the three generations of Monzons: Zacarias, Celo (played by Rody De Vera), and Chitong (played by Carlo Tarobal).

Zacarias is the typical patriarch, and as such, he manifested his power through the whip, the table, and the bed. Sitting on his wheel chair, he is awakened from his sleep by the hysteric nurse Mrs. Paulo (played by Olive Nieto). He asks Nena (played by Banaue-Jansen Miclat), his spinster daughter, for the whip that hung on his bedroom door. Nena refused to give it but Bessie (played by Candy Pangilinan), the helper / go go dancer, gave it to him anyway.

After a menacing hold and stare at it, he smashes the carpeted floor.  He screams about what he was before, what he desires to be, and everything else that he could blurt out of his fuming face. Times have changed and the old man is stuck in the crossroads of history.

He banged his chest in front of the wooden table where the elites and politicians used to convene and ask for his support. A long table for long conversations and provocations, it was Zacarias’ seat of power. He was powerful indeed as many politicos asked for his clan’s and people’s votes. His power extended to all the ends of his hacienda and city. But, now he is old and almost powerless.

Character defiance
A question of whether attitudes and values are inherited is picked upon by Celo and Chitong. Celo dwells on the manifestations of his father’s character in him. Chitong, a novice for the priesthood, is determined to find the meaning which he seeks in life. Throughout the process, he proves that character is not hereditary, that it is we who choose what course to take in life. But, that is not to say, without the influence of our predecessors.

The whip is eventually wielded by Zacarias’s son Celo. As Zacarias grows frail, Celo who was once afraid of him finds the confidence to wield the whip like he owned it. He drives out Bessie, who Zacarias needed by his side. Hence the whip, what things one can do with it, and what things it stirs in one’s mind.

How to stay the whip? Give the old man a nip. Sophia (played by Issa Liton) visits his father-in-law Zacarias while Chitong and Nena go around flustered about the elder Monzon’s orders. He wanted—needed—to have Bessie back. As Zacarias is brought out of his room again, the Archangel’s presence might have quelled the evils stirred in his dry throat. Sophia brought out a bottle of San Miguel gin and toasted with her old man, bringing about a series of fond reminiscences to the laughter of the family and the audience. Sophia was the positive force that neutralized the sway of demise.

Chitong, a novice for the priesthood, is confronted by the course his life is taking. At the same time, he is struck by a dilemma: the decision whether to bring Bessie back to help his tormented grandfather. He goes to the club where Bessie worked and brought her back to the elder Monzon’s house. At the knowledge of this, Celo is infuriated and gets hold of the whip again, running after and hitting his son in the face, where his father had hit him as a boy.

Breaking the cycle
There comes a regression. His unbecoming and replicating his father’s deeds spurred Celo’s uncouth cries. He was disappointed with himself for becoming like his own father, the oppressive force that made him coarse. Both Zacarias and Celo had some things yet to be reconciled. Nevertheless, the undertones of such inherent influence are uncanny. As such, it reflects our behavior towards those we scorn so much that we end up becoming like them, sometimes even worse than them. In the end, the whip has been the symbol of the perpetuation of violence.

The bed, where Zacarias rested and vested on desires is where he spent his last hours with Bessie. She was his only comfort in all the tumult contained in the household. Despite the inconvenience Celo perceived her to be, she was considered as part of the family. Celo’s heart was softened, changing his ways and the cycle that had kept their family constricted. He had the whip, the table, and the bed done away with after his father died. Thus, ending what has plagued them.

It is indeed that history does not repeat itself, but human experience. The wheel of (mis)fortune was wrought by evil, and it ought to be destroyed by good. This, the story of Fathers and Sons ought to tell us.

Fathers and Sons / Mga Ama, Mga Anak runs from September 6 to 24 at Wilfrido Ma. Guerrero Theatre. 

The post The wheel of (mis)fortune appeared first on Philippine Collegian.

Quarrying Queries

$
0
0

Features■ Mark Verndick Cabading

 

I remember walking along the beaches of Lingayen when I was in high school. I usually find myself walking alone in the desolated stretch of black sand, save for some trucks exiting an enclosed mining area.

One time, I tried climbing over the concrete walls to see where the trucks usually go, but I was not tall enough to glimpse anything at the time. Since then, it has puzzled me what lies beyond the walls.

I was already in college when the walls were broken down. The trucks stopped coming in, and Xypher Builders, Inc—the mining company which operated inside the wall—was even featured on national television. The trucks carried black sand illegally obtained from our beaches and we did not know it until then. I was already learning the ins and outs of mining as a metallurgical engineering student, yet that was the only time I had my first-hand encounter with the plunders of mining.

That same year, more repercussions of mining were revealed to me as I met the Lumad who travelled from Mindanao to Manila for us to hear their stories—how they are displaced from their ancestral lands to give way for multinational companies, mostly under the mining industry.

Prospecting and Exploitation
When I first entered the university to learn more about the mining industry, I was unaware of its negative social impact. Mining industry is an irony of its own—it recognizes its own potential, yet it presents a hindrance to itself.

The mining industry is full of potential given the country’s geographic location. The Philippines has one of the richest mineral deposits worldwide—fifth in rank with largest nickel deposits, fourth in copper, and third in gold. This potential attracted multinational investors which increased the demand for mining and metallurgical engineers in the country.

The industry has relatively high-paying jobs that attract students to be part of the field. Even the Department of Labor and Employment (DOLE) reports mining-related jobs as one of the top-paying jobs of 2016.

One of my batchmates, Juicel Taguinod, also entered the Metallurgical Engineering program with a background on mining since she came from Central Luzon where quarrying is actively done. “Tinry ko i-search online and mukhang maganda naman yung mga job offers. Actually, dun talaga ako nahatak, yung income sa future.”

Mining is an essential industry in the Philippines. The department where we came from, UP Department of Mining, Metallurgical, and Materials Engineering (UP-DMMME), serves as the leading institution where most experts in the mining industry come from, and it plays a vital role in promoting and advancing the industry.

In both mining (EM) and metallurgical engineering (MetE), most discussions are devoted to the technical basics of mining and metallurgy.

Mining is a five-stage process that starts with prospecting and exploration or the search for valuable minerals and ores. Development of mining plans comes next. Then, exploitation is done, which is defined as the actual recovery of minerals from the earth.

It occurred to me—the first time I encountered mining was the first time I encountered exploitation in its connotative sense. It is no different with the daily experience of the Lumad who were displaced from their ancestral lands due to the infiltration by multinational mining companies.

The undeniable exploitation of the Lumad necessitated them to take action by leaving their homes for the Lakbayan and register their dissent to be heard out. This is the same struggle that we share, one that I will always carry amidst the contradictions of the mining industry.

Behind Prospecting
Exploitation is highly evident especially in rural regions with rich natural resources. Think-tank IBON Foundation named a few of the biggest mining operations in the country: Taganito Mining Corp. in Surigao, Sagittarius Mines Incorporated in South Cotabato, and TVI Pacific Inc. in Zamboanga del Sur.  

The regions hosting these mining activities are one of the poorest in the country, according to the Philippine Statistics Authority. Caraga has the second highest poverty incidence in the country at 39.1 percent, SOCCSKSARGEN placing fourth at 37.3 percent, and Zamboanga Peninsula at 33.9 percent.

One of the poor families from these areas is the family of Bebe, a Lumad teenager from SOCCSKSARGEN.

We were taught under responsible mining that mining operations in ancestral lands of indigenous people (IPs) are subject to Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) from the IPs, as stated in the Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA). However, the FPIC is often violated by mining companies through illegal ways such as treachery and bribery.

Bebe’s experience with IPRA violation was with mining company Alcantara & Sons which infiltrated their area with the help of paramilitary groups. The Alcantaras are known to control the controversial Tampakan Copper-Gold project. The Tampakan mining area, characterized by rainforest, is inhabited by around 5,000 people. Most of them belong to indigenous groups who will need rehabilitation if the project gets to be launched.

The IPs expressed disagreement with the mining project which started on 1995. It has not commenced yet, but there are already three cases of extrajudicial killings in the Tampakan area related to the project.

On the other hand, black sand mining operation by Xypher Builders, Inc. in Lingayen was illegal since Lingayen was declared as an eco-tourism and environmentally-critical area by the Department of Environment and Natural Resources.

Through the complaints filed by anti-mining organization Aro Mo Ako Sambayanan to the Office of the Ombudsman, former Pangasinan Governor Amado Espino Jr. and 13 officials of mining firms were found guilty of graft. This ended the black sand mining operations in Lingayen.

Beyond the Mines
As I went on with my studies, I focused more on how UP shapes me to be a more capable metallurgical engineer. As UP-DMMME states in its mission, we should aim for socially-relevant and exceptional professional services in mining, metallurgical, and materials engineering.

The current curriculum, however, falls short in realizing this mission. The absence of rehabilitation and environmental management classes in the mining and metallurgy program is a challenge for the department to practice what it aims.  

‘Mining and Environmental Laws’ for EM students and the basic ‘Principles of Mining’ for MetE students are the only principal courses devoted for the environmental and social impacts of mining. This can be aided by subjects outside the department like the General Education (GE), but the impending GE Reform lessens this opportunity by cutting the required 45 units to 27 units for DMMME students.

National industrialization should also be promoted by the department. Currently, even with existing mining operations, mining has contributed a relatively small portion to the country’s domestic income. It has contributed P30 billion to the P15.8 trillion income of the country, as of the Second Quarter 2017.

The Mines and Geosciences Bureau also indicated that extracted minerals are mostly exported. In 2016, 67 percent, or P118 billion of the P176.3 billion total value of extracted minerals were exported.

The country must break through the dilemma—the widespread exportation of raw materials essential for local production and the absence of developed and expansive metal processing plants in the Philippines.

As a future metallurgical engineer, it does not escape me for a second that I have an obligation to serve the people. With the contradictions in the mining industry, it remains far from realizing its potential to serve the Filipino people.

But as an Iskolar ng Bayan, it is imperative to persist and thrive in the struggle towards giving back to the people—those of my kababayan back in Pangasinan, the Lumad and national minorities from different localities, and those who are exploited by the system that we fight to change. ■

The post Quarrying Queries appeared first on Philippine Collegian.

State of Terror: Killing the Young in Duterte’s War on Drugs

$
0
0

Features
■ Richard Calayeg Cornelio

Kian had precise habits. He would rise before sunup to arrange biscuits and Zest-O outside their store. For breakfast, he would eat a pack of chips while listening to blaring rap songs or share it with friends idling by his storefront. He was a friend to everyone, regaling them with jokes and stories exchanged through his window. Rain or shine, you could always trust Kian to open for business at the usual time. So in the morning of August 17, when the store’s window panels remained shut, his neighbors could only sigh, worried that something bad had befallen the kid.

The night before, Kian Lloyd delos Santos was gunned down by cops in what the latter described as a shootout. His dead body was found face down in a fetal position in a trash-clogged alley near his house. He was 17.

The death toll has now reached 13,000. Yet it was the deaths of Kian and other youths that spurred the people to voice a resounding resistance to President Duterte’s War on Drugs. These senseless killings bear witness to the impunity of this state-sanctioned slaughter which targets mainly the poor and marginalized.

Persistence of memory
Kian’s death could not be more puzzling to those who knew him. Theirs are memories of a boy given to laughter, music and hard work.

For Ed*, his childhood friend, he remembered Kian most from when they jogged round Eternal Gardens, the way Kian would suddenly dance “’yung pang-disco.” For Manny, a big brother to Kian, it was those times when the boy asked for his help to write a love song. For Marie, his neighbor, it was when they shared a boat on the way to school: how there was not a pause in their conversation that he didn’t fill with a punch line.

For Lorenza delos Santos, Kian was a loving son. At the Senate hearing on August 24, she said “Pinalaki ko po [si Kian] na may respeto sa nakakatanda sa kanya, sa taong may katungkulan.” In spite of poverty, she raised her children to be God-fearing and honest people.

The third of four siblings, Kian was taught to man their store to help out with the family’s earnings while Lorenza worked as a domestic helper in Saudi Arabia. Without fail, Kian would talk to Lorenza via Messenger while minding the store. At noon, he would wake up his father, Saldy, to relieve himself of duty before going to school.

Only going to school meant traversing city lines on a boat to cross Tullahan River. Kian would sometimes be late and blame the traffic in the river, to his classmates’ amusement. He was a good student, said Michael Figueroa, principal of Our Lady of Lourdes Senior High School, during the probe. “[Kian] has never been involved in any drug-related incident, except for simple naughtiness like he was caught cutting classes one time,” he said

School was also fodder for stories to tell his friends from around the block. “Kengkoy ng tropa” is how the boys of Barangay 160 describe Kian. These young men knew Kian, having grown-up brothers in the riverside alleys. Kian would often take out his speaker and they would all sing along to rap songs.

“Soundtrip,” his crew calls it. They would break into rap at the slightest beat and could improvise lyrics in a snap. Yet never did they expect to find themselves at their friend’s wake, rapping the lyrics, “Wala ‘kong kasalanan. Inosente lang ako.”

Conflicting Narratives
While the police asserts self-defense to justify Kian’s death, witnesses describe the incident as the murder of a defenseless minor.

Police allege Kian fought back. They say he tried to run and shot at them. They say they had to fire back. A .45-caliber pistol, four cartridges and two sachets of shabu were supposedly recovered from his body. The spot report places three officers on the scene at 8:45 p.m.: PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz and PO1 Jeremias Pereda. All three say that Kian was a drug runner, per the testimony of an arrested drug suspect and intel from social media.

However, one witness claims three plainclothes officers arrived at around 8 p.m. on motorcycles, armed with handguns. Kian was outside a shop near his house when the men grabbed him, slugged and slapped him, then dragged him away in a headlock. The barangay’s CCTV footage shows two men marching him from one alley to another followed by a third man. They stopped at a cul-de-sac near a basketball court. Here, Kian was told to flee with a gun he was forcibly given. When he did, he was shot.

Kian’s corpse lay curled up against a muddy corner near a pigsty. He died in a blue shirt and boxer shorts. A gun was found in his left hand, though he was right-handed. Kian later tested negative for gunpowder nitrates, further disputing the police’s defense.

An autopsy by the Public Attorney’s Office (PAO) forensic lab also reveals that Kian sustained three entry wounds: one inside his ear, one behind his left ear and one to his back which penetrated his lungs. The report concludes he was shot at close range, indicating intentionality. The PNP, however, reports only two gunshot wounds. Yet both findings agree that the gunman was standing over Kian who was kneeling face down. Before the shots rang out, witnesses heard the boy screaming “Tama na po! May test pa ako bukas!”

A Tale of Terror
“The cold-blooded killing of [Kian] is yet another proof that shows how those in power — with guns and the capacity to distort the truth with planted evidence and a staged crime scene — completely disregard the right to life of the poor,” said human rights group Karapatan in a statement.

No less than the president has encouraged the extrajudicial killings. In addition to his incendiary rhetoric, Duterte recently praised the bloodiest raid yet which happened in Bulacan. “Maganda ‘yun,” he said on August 16, the same day Kian was killed. “Makapatay lang tayo ng mga another 32 every day, then maybe we can reduce what ails this country.”

For President Duterte, what ails the country are criminals and drug dependents who he believes are “of no use to society anymore.” He has had many Filipinos believe that killing innocent bystanders are only worth the money spared in the process of wiping them out. He has no qualms about bypassing legal instruments despite opposition from various sectors of civil society.

At the president’s behest, the police are pressured into abusive practices, such as torture, falsification of evidence and threats, to deliver results. Even more emboldened by Duterte’s vow to protect them, police officers conduct anti-drug operations and leave dead bodies in their wake.

According to Human Rights Watch, a nongovernmental organization, most of the victims of drug-related killings have been small-scale peddlers and users from the urban poor while big-time syndicates in drug cartels remain scot-free. As the poor are victims of their living conditions, they are also preys to state abuse.

“’Si Kian, ‘yung batang ‘yon walang alam, pag-aaral lang; nagsisikap para makaahon sa kahirapan,” Saldy said after the hearing. “Isang saglit lang, pinatay nila.”

If things had turned out differently, Kian would have woken up on the morning of August 17 looking forward to the same things that had defined his normal day: a store to look after, a boat ride to school, a joke to crack, a story to share. Then, with three bullets, his life was ended by this fascist state. But as long as we resist to forget and continue to fight, the story of Kian continues — one that is part of the narrative of a nation that persists in memory and fights for its people. ■

* not their real names

The post State of Terror: Killing the Young in Duterte’s War on Drugs appeared first on Philippine Collegian.

Salita ay sandata

$
0
0

Kultura

● Sheila Abarra

 

Nakaligpit nang muli ang mga barong, baro at saya. Setyembre na at ang ideya ng wikang dumadaloy sa bawat Pilipino ay nagmistulang alon—humahampas lamang, saka muling babalik sa karagatan palayo sa atin.

Higit pa rito ang wikang nais ipatampok ng selebrasyong Buwan ng Wikang Pambansa, ngunit hanggang ngayon, nakakahon lamang ito para sa mga Tagalog. Sa halip na makilala ng bawat Pilipinong mag-aaral ang karakter ng ating wika bilang sari-sari at punung-puno ng iba’t ibang tradisyong mula sa napakaraming kultura, nakalilikha ito ng nosyon na ang wikang Filipino ay Tagalog lamang.

Ang ugat ng pagsasantabi sa mayamang kulturang Pilipino ay mababakas sa ideya ng wikang Pambansa na mayroon tayo ngayon at nananatiling himbing sa pagkakaidlip. Ang alimpungat ng mga argumento tulad ng kung Buwan ng Wikang Pambansa ba dapat o Buwan ng mga Wika ang tawag sa okasyon, ay hudyat ng paggising.

Tala ng kasaysayan
Binigyang kahulugan ni Prof. Bienvenido Lumbera ang wika bilang isang kaisipang mula sa bawat indibidwal na parte ng malawak na lipunan. Bitbit ng ideya ng wikang Filipino ang kahingiang malikom at mapag-ugnay ang lahat ng kaisipang ito mula sa wika.

Ang kalituhan kung Filipino ba o Tagalog ang dapat itawag sa wikang ginagamit natin sa pambansang konteksto gaya ng sa mga pagdinig sa senado at kongreso, ay senyales ng hindi malinaw na pagpapakilala sa Filipino bilang wikang pambansa.  

Nagsimula ang “panitikan ng Pilipinas” na eksklusibo lamang sa wikang Tagalog, Ingles at Espanyol. Taong 1935 nang binuwag ito ng paglikha ng wikang Pambansa. Isa itong malaking hakbanging ginawa ni Wenceslao Vinzons, politiko at lider ng gerilya noong panahon ng Hapon, upang makawala ang bansa sa pagkakatali sa kolonyal na oryentasyon ng wika sa bansa.

Nakasaad sa Konstitusyong 1987 na Filipino ang opisyal na wikang gagamitin sa instruksyon at komunikasyon. Ngunit itinatali ang wikang pambansa sa Tagalog dahil hinulma ang wikang pambansa mula rito, lalo’t nakararami ang gumagamit ng Tagalog. Sa kabila nito, ang higit na tungkulin ng Filipino ay maging tulay ng iba’t ibang kultura, pananaw at mga pagbabago.

Mula noon hanggang ngayon, umuusbong ang mga bagong porma gaya ng sosyolek o jargon ng lipunan na jejemon at bekimon, na patuloy na dumadagdag sa maraming barayti ng wika.

Ang patuloy na paghingi ng bago ay natural na tendensiya sa lipunang patuloy ding nagbabago. Kung kaya mahalaga para sa isang wikang pambansa ang masusing pag-aaral at pag-unawa sa bawat pagbabago saka ang hakbanging masaklaw ito.

Hati-hating pananaw
Isa ang Pilipinas sa namumukod-tanging mga nasyon na may iba’t ibang wika at kultura. Hindi dapat tingnang kahinaan ang pagkakaiba-iba dahil ang lahat ng wika ay may ambag sa diskursong Filipino, ayon kay Prop. April Perez ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Kailangan din daw kilalanin ang pagiging katangi-tangi ng bawat wikang mayroon ang mga etnolinggwistikong grupo.

Nilalaman ng mga diskusyon batay sa pagkakaiba-iba ng wika at kulturang Pinoy kung Buwan ng Wika ba o Buwan ng mga Wika ang nararapat. Nabubuksan ang ganitong kaisipan dahil nararamdaman ng ibang wika ang pambubukod at pansasantabi dahil kung tutuusin, mangilan-ngilang epiko lang naman mula sa Mindanaw at Visayas ang tinatalakay sa hayskul at kolehiyo.

Sa panahong ganap ang pagkakahati-hati, kahingian ang pagpapatampok ng mga naisasantabi sa pamamagitan ng mayamang pag-aaral sa panrehiyunal na panitikan. Sa ganitong paraan, mas magiging malawak ang pang-unawa sa iba’t ibang wika.

Subalit taliwas sa layuning kilalanin at pagbuklurin ang mga kultura sa pamamagitan ng wika, lalong isinusulong ng administrasyong Duterte ang paghihiwa-hiwalay sa saliw ng itinutulak na federalismo. Bagaman may distribusyon ng kapangyarihan sa bawat lokalidad, dedepende pa rin sa kolonyal na batas ang pagpapalawak ng rehiyunal na diskurso sa bansa.

Mapanganib ang rehiyunalismo na kalakip ng federalismo. Imbis na pagkaisahin, lalo lamang magiging ganap ang kompetisyon at pagkakahati-hati ng mga rehiyon na may iba’t ibang tradisyon at kultura.

Sa panahong pilit tayong hinahati, ang tungkulin ng wikang Filipino ay masaklaw ang lahat ng wika sa bansa bilang isang bayan. Mahalaga ang papel ng mga institusyong pang-wika sa layuning pagbuklurin ang bayan, ngunit tila hindi nagagampanan ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ang pagsasaayos ng kalagayan ng diskursong Filipino.

Lunsaran at pagsulong
Itinatag noong 1936 ang Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay mas kilala na bilang KWF. Nagpapalit lang ng pangalan at hindi nawawala ang mga institusyon ngunit hindi dama ang kanilang pakikisangkot sa iba’t ibang isyung pulitikal tulad noong diktadurang Marcos. Sa ganoong panahon mas kinakailangan ang suporta ng institusyon upang mahamig at mabuklod ang bansa laban sa rehimen.

Bahagi ng KWF ngayon ang mga batikang manunulat na partisano sa kilusang lihim na sumusuporta sa diktadurang Marcos noon ayon sa mga nailimbag na aklat ng prominenteng kritikong si Tomas Agulto—bagay na nagpapakita ng tuwirang pagpapasailalim ng KWF sa dikta ng Malacañang hanggang ngayon.

“Wikang Filipino: Wikang Mapagbago” ang piniling tema ng KWF para sa nagdaang Buwan ng Wika, alinsunod sa mantrang “change is coming” ng administrasyong Duterte. Sa kabila ng ginamit na tema, nananatiling tikom ang KWF sa giyera kontra-droga ng Pangulong Duterte. Walang matibay na suporta ang institusyon sa mga manunulat na tumututol sa karahasan ng rehimeng Duterte, tulad ng nailulunsad na mga tulang protesta.

Hindi nagagampanan ng KWF ang kanilang tungkuling pakilusin ang mga manunulat para sa tunay na pagbabago dahil sa halip na yakapin ang orihinal na layon ng institusyon, pinangatawanan lamang nito ang pagiging kasangkapan ng estado.

Wika dapat ang lunsaran sa pag-iingay tungkol sa mga isyung kinahaharap ng bansa at nagsisilbing tagapagpadaloy ng diskusyon. Sa panahong tila mahirap nang paniwalaan ang konsepto ng wikang pambansa, mas kinakailangang pagtibayin at iangkop ang tuon at tunguhin nito sa bawat panahon.

Bagaman nailantad na ang napakaraming kinakailangang sinupin sa kasalukuyang porma, mga institusyon at mismong nosyon ng wikang pambansa, mahalagang nasimulan ito sa tamang layunin. Ang pagbabaling sa iisang layuning umunlad ang susi sa mabisang pagbubuklod ng lahat ng wika at kultura ng bansa. ●

The post Salita ay sandata appeared first on Philippine Collegian.

Pamilihan ng Puso*

$
0
0

Kultura

● Allan Dee

 

“Paano ka tatama kung hindi ka naman sumusugal?”

At isang nahihiyang “haha” lang ang naisagot ko nang sa wakas, niyaya mo akong makipagkita sa’yo. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat isagot kapag nakukulong na sa mga ganito. At sa oras na magtama ang mga mata nati’y mag-iiwasan tayo, o ‘di kaya’y matuloy sa isang pagkakataon. Wala pa man akong sagot, dalawang bagay na ang tumatakbo sa isip ko – pareho tayong dumating sa tagpuan at sa oras na magtama ang mga mata nati’y mag-iwasan tayo, o ‘di kaya’y matuloy sa isang matinong date, na sa tantsa ko’y malabong mangyari.

Kung tutuusin, suntok sa buwan ang pag-“swipe right” ko sa’yo. Mahiyain ako at hindi sanay makihalubilo sa tao. Kaya nga ako pumasok sa masalimuot na mundo ng online dating tulad ng iniaalok ng Tinder. Ito lang kasi ang pinakamadaling paraang nakikita ko para makahanap ng pag-ibig ang mga katulad kong hindi kayang sumabak sa pakikipag-date sa totoong buhay. At kung sakaling hindi man magtagal o bigla na lang mawala, marami pang nakaabang na puwedeng pagpilian.

Dahil sa birtwal na mundong ito, risk-free ang pag-ibig. Kailangan ko lamang ilako ang sarili sa limitadong impormasyon maaari kong ibigay—pangalan, edad at larawan—at sa huli ako higit na bebenta. Mga litratong walang pang-itaas, nakataas ang kilikili, lahat sa pag-asang may nais makipag-“match” sa akin, at pinalad akong isa ka roon.

Saktong-sakto ka sa tipo ko: borta, singkit ang mga mata at mabalahibo ang dibdib. Kaya nung nagka-match tayo, wala na akong pakialam sa iba pang mas gwapo at mas matikas pang nagkalat sa Tinder.

Gabi-gabi sa loob ng dalawang linggo tayo magkausap. Gabi-gabi rin nating pinupunan ang pantasya natin sa isa’t isa hanggang sa hindi na lamang sapat ang palitan ng mga salita. Sabi mo, oras na para mga balat naman natin ang magkaniig. Kaya pumayag na rin ako sa kabila ng pagdadalawang-isip.

Banayad ang daiti ng balat mo sa’kin, ngunit napansin kong hindi ka kasing-kinis ng inaasahan ko. Isa akong manlalakbay na paulit-ulit na binabaybay ang iyong katawan, subalit tila hindi pamilyar ang lugar na ginagalugad. Tatlong beses pang naulit ang ating pagkikita; at tatlong beses mo na ring pinakita sa’kin ang pasikot-sikot sa katawan mo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit lagi’t lagi pa rin akong naliligaw. Hindi ba’t ilang beses tayong nagbilangan ng sugat sa katawan, nagpakitaan ng kaluluwa?

Natapos ang ikaapat at tuluyang natigil ang ilusyon. Hindi na kita nakita sa dati nating paboritong tagpuan. Walang duda, may bago ka na mula sa limampung matches at koleksyon ng mga larawan, sa limampung ipinagmamalaki mong posibilidad, sa limampung pansamantala. Tanga lang ako para isiping iba ako sa marami pang tumatangkilik.

Paunti-unti, sinusubukan kong bumalik ulit sa pakikipag-date. At sa susunod na magkita tayong muli, masaya kong papatunayan sa ‘yo na ang pag-ibig ay hindi isang pamilihan, hindi ito naghahangad para sa sariling kapakinabangan.

Malinaw na ngayon sa aking lahat – dito sa pamilihan ng puso, susugal at susugal tayo. Ngunit hindi para sa ganda, sa dangal ng irog, sa nasa, kung hindi para sa isang tunay na pag-ibig na yayabong lamang sa labas ng birtwal na mundong ito. ●

*pasintabi kay Jose Corazon de Jesus

The post Pamilihan ng Puso* appeared first on Philippine Collegian.


Balangkas ng Paglaban

$
0
0

Lathalain

 ■ MJ Paez-Evora

Sabi nila, ang karanasan ang pinakamahusay na guro. Kung gayon, ang mga nasa laylayan ay dalubhasa na sa iba’t ibang uri ng karahasang ipinapataw ng estado.

Langit ang mistulang bubong sa tuwing nag-aaral ng agrikultura. Bulubundukin ang tanaw sa mga bintana ng silid-aralan. Ngunit kakambal ng mapayapang imaheng ito ang anino ng karahasan. Noong Hulyo 6, 2017, binagabag ang tahimik na ulap ng mga eroplanong may kargang bomba. Kasabay ng rumaragasang agos ng ilog ang nagmamadaling mga talampakan upang isalba ang kanilang buhay.

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang patayin ng mga miyembro ng grupong paramilitar na Magahat Bagani ang tatlong pinunong Lumad sa harap mismo ng mga residente. Bahagi lamang umano ito ng operasyon upang puksain ang rebeldeng grupong Maute. Subalit hindi na papayag pa ang mga katutubo na muling dumanak ang dugo sa lupang ninuno.

Kaya naman nagtungo sila sa kalunsuran upang igiit sa pamahalaan ang kanilang mga karapatan. Kasabay ng Lakbayan, ipinagpatuloy ng mga kabataang Lumad ang pag-aaral sa pagtatayo ng Paaralang Bakwit sa UP International Center. Gaya ng panandaliang eskwelahang ito, ang mga mga karahasang nararanasan ng mga katutubo ang siyang nagtulak sa kanilang magtayo ng mga alternatibong paaralan sa kanayunan. Sa mahabang kasaysayan ng pagtapak sa kanilang mga karapatan, edukasyon ang sandatang kanilang tangan.

Araling Panlipunan
Saksi ang kasaysayan na panunupil ng estado ang naging tuntungan sa pagsibol ng mga alternatibong paaralan.

Halos kakaluklok pa lamang ni dating Pangulong Corazon Aquino nang ipatupad niya ang Oplan Lambat Bitag, isang “total war policy” laban sa mga rebelde. Pinaigting nito ang militarisasyon partikular na sa Lianga Bay at Benguet na pinag-aagawan ng malalaking kumpanya ng pagtotroso at pagmimina. Napadali ang pandarahas at pagpapalayas sa mga katutubo habang lumawak ng husto ang mga dayuhang proyekto.  

Sa panahon kung kailan umigting ang karahasan, nagsimula ring umusbong ang organisadong paglaban ng mga katutubo. Binuo ng mga bakwit ng Surigao del Sur ang Malahutayong Pakigbisog alang sa Sumusunod (MAPASU) na nangangahulugang “walang humpay na pakikibaka para sa susunod na henerasyon.” Mula rito, umusbong ang Tribal Filipino Program of Surigao del Sur Inc. (TRIFPSS) at Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development Inc. (ALCADEV), mga paaralang Lumad.

Ang kasaysayan ng mga alternatibong paaralan ay hindi hiwalay sa kasaysayan ng pagprotekta sa lupang ninuno. Tinangan bilang sandata ang mga libro, tisa, at pisara sa kanilang paglaban para sa mga karapatan.

“Yung mismong edukasyon [at] eskwelahan, ekspresyon siya ng kagustuhang makapag-aral, na makatakas sa kamangmangan, na makalayo doon sa panloloko, at malaman yung karapatan ng mga Lumad—karapatan sa lupa, sa sariling pagpapasya [at] sa edukasyon,” ani Kenneth Cadiang, guro sa ALCADEV na nagtapos sa UP Diliman.

Agham at Kultura
Sa alternatibong paaralan, nakaugat ang bawat leksyon sa katutubong kultura at kasaysayan ng pagdepensa sa lupang ninuno. Alinsunod dito, ang uri ng edukasyong nakakamit sa mga paaralang ito ay makamasa, makabayan, at siyentipiko.

Bagamat halos magkapareho ang mga asignaturang itinuturo sa regular na eskwelahan, lapat sa katutubong kultura ang bawat leksyon sa alternatibong paaralan. Kaya naman ang agrikultura ay mahalagang bahagi ng kanilang kurikulum. Tinuturuan sila kung paano magtanim at mag-alaga ng hayop.

Higit pa rito, ang bawat asignatura ay hindi hiwalay sa komunidad. “A is for agohoy (mais) imbis na apple,” ani Ramil Miguel, guro sa Salugpungan Ta ‘Tanu Igkanogon Community Learning Center Inc (STTILC).

Bahagi rin ng kanilang edukasyon ang katutubong kaugalian. Sa pagbibigay ng grado, iniiwasan ng ALCADEV ang lamangan kaya’t walang konsepto ng paglalahad kung sino ang sampung pinakamagagaling sa klase. Bagaman may class card, ito ay para lamang makita kung saan ang kalakasan at kahinaan ng mag-aaral.

Ayon kay Cadiang, lapat ito sa paniniwalang pantay-pantay ang pagmamay-ari ng lahat sa lupa. Kaakibat din nito ang mandatong protektahan at paunlarin ang lupang ninuno na makakamit lamang sa kolektibong pagkilos. Sa kasamaang palad, ang prinsipyong ito ang siyang pinupuksa ng mga dayuhang nagnanais kamkamin ang lupain. Katuwang ang estado, sistematiko nilang dinadahas ang katutubo upang likumin ang yaman ng kalikasan sa palad ng iilan.

Matematika at Taktika
Dahil ang pagkamulat ang simula ng paglaban, sistematikong dinudurog ng estado ang mga naitayong alternatibong paaralan.

Sa kasalukuyang administrasyon, 39 na mga paaralan na ang pwersadong isinara dahil sa pagkakampo ng militar 

Ayon kay John Timothy Romero, guro sa Center for Lumad and Advocacy Services Skul di Banwe (CLANS), sistematiko ang pandarahas sa mga paaralan kung saan tinatakot ang mga guro maging ng lokal na pamahalaan.

Sa Sultan Kudarat, nagbanta si Mayor Ronan Garcia na gagamitin niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para hulihin ang mga gurong sumusuporta sa CLANS. Gayundin ang karanasan ng ALCADEV kung saan sinampahan ng mga gawa-gawang kaso gaya ng child abuse ang mga guro.

Pinararatangan ding tagasuporta ng rebeldeng grupo ang mga komunidad. “Ginagamit nila yung salitang ‘NPA’ [at] terorista kasi hindi naman pwedeng sabihin nila, ‘umalis kayo diyan kasi mag-mining kami,” ani Miguel.  

Malinaw sa mga guro ng mga alternatibong paaralan na ang mga atakeng nagaganap ay hindi hiwalay sa kanilang laban sa karapatan sa lupang ninuno. “Ayaw nila na andun ang mga paaralan kasi doon namin tinuturuan ang mga bata kung paano manindigan sa kanilang mga karapatan, kung paano nila paninindigan yung lupang ninuno nila,” ani Evelyn Cabangan, guro sa Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. Academy (MISFI).

Alternatibong balangkas
Patunay ang mga alternatibong paaralan na sa umiigting na pandarahas, makatwirang sisibol ang paglaban para sa karapatan. Mga araling magdedepensa ng kanilang kultura at lupang ninuno ang siyang nilalaman ng kanilang mga kwaderno.

Nagsisilbing inspirasyon ang mga alternatibong paaralan sa kanilang makamasa, makabayan, at siyentipikong edukasyon. Pagbalikwas sa kasalukuyang makadayuhang sistema ng pagkatuto ang tunay na kinakailangan ng sektor ng edukasyon sa bansa.

Higit sa inspirasyon, isa itong hamon na ipagpatuloy ang kanilang sinimulan. Hindi estado ang naglatag ng pundasyon ng mga alternatibong paaralan. Bagkus, sama-sama nilang itinayo ang mga ito. Sirain at sunugin man, lilikumin ang natirira at pupunan ito ng mas matibay at mas malawak na pakikipaglaban ng mamamayan.  

The post Balangkas ng Paglaban appeared first on Philippine Collegian.

Taking the High Road: Steering the wheel towards free education

$
0
0

Features

■ Aldrin Villegas

If UP were Hogwarts, the Sorting Hat would be the Socialized Tuition System (STS). Yes, you qualified for entry to this legendary wizarding school. Yes, you have dreams. Unfortunately, unlike Hogwarts, UP is not fully subsidized by the government.

So you would sit on a stool, and the Sorting Hat would be placed upon your head. The Hat would ponder for a while, and then announce the bracket that will decide how much money you should pay for tuition.

No wonder #BracketAKaNa became a trending topic worldwide in 2014. UP just rolled out the STS, replacing the 23-year old Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP). UP students just had enough, sharing stories of unfair and faulty bracket assignments.

This year, the trending topic is #FreeEducNow for state universities and colleges (SUCs), as Republic Act 10931 (RA 10931) or the “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” was signed into law.

The law takes a sharp turn from the self-sufficiency path that the Roadmap for Public Higher Education Reform has laid out for SUCs, marked by declining subsidy and skyrocketing tuition and other fees. The clamor for #FreeEducNow, however, does not stop from this legislation, as it entails subsequent decisive actions.

Dead end
The long history of UP’s socialized tuition policy has been a dangerous road—fraught with decreasing turnout from UP College Admission Test passers, long lines of students applying for tuition loans, tons of appeals for lower STS bracket, and decreasing number of students enjoying free tuition.

Such mechanism reached a lethal point when UP Manila student Kristel Tejada took her life after being forced to file a leave of absence for failing to pay her tuition. Far from the promise of democratizing access to UP education, socialized tuition policies only brought Kristel to a dead end.

Within three decades that such mechanism was in place, not a year passed without walkouts and protests from the UP community. Now comes a policy that espouses free education for SUCs, which albeit imperfect, is still an initial victory for the student movement.

An educated population after all is the strongest foundation of any democracy. “Education is a right which gives people an important basis for greater participation in the nation’s economic and political life. It should be available for all, even up to the highest levels possible,” says thinktank IBON Foundation Executive Director Jose Enrique Africa.

However, a blanket policy like RA 10931 can do more harm than good and can be considered anti-poor, according to government thinktank Philippine Institute for Development Studies (PIDS). It is a “leaky bucket” as more SUC students from wealthy families get to enjoy free tuition, says UP School of Economics Professor Emmanuel de Dios.

But Africa contends that the policy should not be about someone deserving free tuition or not. “This is not even mainly about personal advancement—the higher knowledge and skills students get is potentially a great contribution to building our economy and society,” he said.

Destination
There is no contention that a nation benefits from having a more highly educated population. The views vary, however, on how we get there. For most economists, a universal free tuition is not the right policy to reach that goal.

Aside from the “leaky bucket” argument, another contention is that “there is no such thing as a free lunch,” that taxpayers will ultimately pay for the cost. Another is that subsidies must not be given to schools but to students who can “shop” or choose their colleges, and competition in turn will push colleges to strive for quality and efficiency.

This line of arguments falls under the premise of neoliberal economics—a view that looks at social services as products and people as consumers. But in opposition to this lens, the United Nations Research Institute for Social Development (UNRISD) says that neoliberal approaches to social protection fail to deliver on several counts.

“Systems that are fragmented – with multiple providers, programmes and financing mechanisms aimed at different population groups – have limited potential for redistribution, and generally result in high costs, poor quality and limited access for the poor,” the UNRISD stated in its document titled Combating Poverty and Inequality.

Drawing on evidence principally from health and education sectors, the document prescribes integrated systems of social service provision grounded in universal principles. “[It] can be redistributive, act as powerful drivers of solidarity and social inclusions, and improve the capabilities of the poor,” UNRISD stated.

This, however, requires more than just a law. Arriving at the destination of universal free education requires a strong commitment to the principle that education is a right.

Long run
The road we now traverse reintroduces the concept of public good in higher education discourse—a concept that has faded in the language of competition.

Yet, the free tuition law has its weaknesses, mainly that it approaches the matter of universal tertiary education only from the demand side, Africa said. “It only considers the point of view of students and their ability to pay tuition and other expenses, but what is crucial is the supply side, or the need to expand the public university system.”

But to be able to expand, we must first sustain. The free tuition law is resource intensive, given the increasing cost of higher education with inflation and the expected increase in enrolment rate in SUCs.

This can be met with the right political decisions, says Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago. The Priority Development Assistance Fund, which amounts P300 million for each senator and P80 million for each congressman, can be utilized to sustain SUCs’ operations.

The government can also revise the tax system to be more progressive, redistributing wealth from those at the top to the sectors in need like basic education.

At this point, it is only treacherous to revert to a socialized tuition policy with its inherent and irreconcilable contradictions—that while the budget of SUCs consistently fall way below proposed budget, they continue to rely on the pockets of students when there are clear alternatives.

“The student movement still has a lot of battles to wage,” Elago said. And we still have a lot to win. The subsequent steps entail political will and public pressure. The challenge for the government is to take the high road. But the long run fate depends on the students, the primary stakeholders who drive in the road towards free education. ■

The post Taking the High Road: Steering the wheel towards free education appeared first on Philippine Collegian.

Habi ng pakikibaka

$
0
0

Kultura

● Marvin Joseph E. Ang

Pinatitingkad ang mga protesta ng kulay pula mula sa mga kasuotan ng pambansang minorya para sa taunang Lakbayan. Bitbit ang gong at iba pang instrumento, isinisigaw ng bawat pagtambol ang kanilang mga hinaing sa estado—pagpapalayas sa mga militar sa kanayunan, paglaban para sa sariling pagpapasya. Kasamang nakiisa ngayong taon ang kaigorotan, na nananawagan laban sa pagmimina sa kanilang lupain.

Ngunit imbis na suportahan ang kanilang paglaban, binatikos pa ang mga Igorot dahil sa paggamit ng kanilang kasuotan at sayaw sa rally. Para sa Facebook page na YouLike Cordillera PH, isang community page na nagtataguyod ng turismo sa rehiyon, hindi kinakatawan ng mga militanteng Igorot ang “Igorot Nation.” Isa diumanong anyo ng “pagkitil” sa mayamang kultura at tradisyon ng mga taga-Cordillera ang pagsusuot ng kasuotang Igorot, na sinang-ayunan naman ng ilan.

Maiuugat ang paratang na ito sa mga nauna nang paratang na kinakasangkapan ang mga katutubo ng mga militante at progresibong grupo para sa sarili nitong adyenda. Pero kung tutuusin, lehitimo ang panawagan ng pambansang minorya para sa sariling pagpapasya at sa paglaban sa malawakang militarisasyon sa kani-kanilang lupang ninuno. At binubura ng paratang na ito ang malalim na kasaysayan ng paglaban ng mga Igorot sa tuwing may nangangahas na kamkamin o pagkakitaan ang kanilang lupain.

Panahon pa man ng Espanyol, ilang beses nang tinangkang sakupin at minahin ang mga bundok ng Cordillera dahil sa taglay nitong yaman sa iba’t ibang mineral, ayon sa historyador na si William Henry Scott. Gamit ang mga bato, sibat, at mga patibong na nakatago sa mga matataas na talahib, matagumpay na nadepensahan ng mga taga-Cordillera ang kanilang lupain mula sa mananakop. Nagsimula naman ang malawakang pagpasok at pananamantala sa kalupaan ng Cordillera ng dumating ang Amerikano.

Lalong umigting ang kanilang paglaban noong panahon naman ng Batas Militar. Suot ang bahag at tangan ang sibat at kalasag, hindi nagpatinag at pinangunahan ni Macli-ing Dulag ang bodong o peace pact ng iba’t ibang komunidad sa Cordillera upang tutulan ang 1,000-megawatt hydroelectric power plant na itatayo sa kahabaan ng Chico River. Bagaman pinatay ng mga sundalo ng gobyerno si Dulag, hindi rin natuloy ang proyektong ito. Sa bawat yugto ng paglaban ng mga Igorot, bitbit nila ang kanilang kultura bilang armas.

Sang-ayon dito ang sinabi ni Raymond Williams, isang kritikong Briton, na ang mga kultural na produktong may halagang pang-estetika, katulad ng sining-biswal, sayaw, musika, panitikan, atbp., ay hindi lamang nalilimitahan sa isang partikular na grupo ng tao sa isang partikular na lugar. Umuugat ang kultura sa mas malaking lipunang kinabibilangan nito.

Para kay Windel Bolinget, tagapangulo ng progresibong grupong Cordillera Peoples’ Alliance, ang tradisyunal na kasuotan ng Kaigorotan ay bahagi ng kultura at identidad ng mga Igorot. Hindi umano maihihiwalay sa kanila ang kanilang bahag dahil ito ang kanilang kasuotan, pang-araw araw man o may okasyon.

Matibay na pinananatili ng mga taga-Cordillera ang kanilang tradisyon na nakaugat sa kanilang malalim na pag-unawa sa mabuti at masama. Ang kanilang oral na panitikan, halimbawa, ay nakaugat sa kanilang paraan ng pamumuhay, tulad ng mga epiko at awiting bayang inaawit sa pagtatanim at sa pag-aani. At ito ang kulturang pinananatili nila hindi pa man dumarating ang mga mananakop sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.

Gayunman, kahit na mahigpit ang pagsunod sa kanilang tradisyon, makikita ring umaangkop ang kanilang kultura sa kanilang paglaban. Isang halimbawa nito ay ang Salidummay, na kung dati’y inaawit lang sa pag-akyat sa ligaw, kasal at iba pang okasyon, mayroon nang mas progresibong bersyong tumatalakay sa kawalang-katarungan.

Sa mga linyang, “Nakikinig ka ba sa utos nila/Ba’t di mo imulat ang iyong mga mata/Lumaban ka huwag paapi,” makikita na kasabay na nagbabago ang kanilang kultura sa kamalayan ng taong lumilikha nito, at kung paano nila hinaharap ang mga suliranin sa loob at labas ng kanilang komunidad.

Sa panahon ng ligalig, katutubo ang unang magtatanggol sa kanilang kultura. At ang tanging paraan upang mapreserba ang kanilang kultura ay kung sasamahan natin sila sa kanilang laban. Ito ang puntong nakaligtaan ng YouLike – na ang totoong banta sa pagkamatay ng kultura ng mga Igorot ay ang mga nangangamkam at nananamantala ng kanilang lupain.

Kaya’t hindi masasabing pagkitil ang mga kultural na pagtatanghal ng mga Igorot sa mga protesta. Para kay Bolinget, ang tunay na kumikitil sa mayamang kultura ng mga Igorot ay ang malawakang pandarambong sa lupang ninuno. “Kapag sinira ang lupain namin, hindi na namin maisasagawa ang aming kultura dahil ang aming kultura ay nakasandig sa aming lupain.” 

The post Habi ng pakikibaka appeared first on Philippine Collegian.

Biyaheng langit

$
0
0

Kultura

● Marvin Joseph E. Ang

Isa lang naman ang pakay ni Mika sa kaniyang paglalayas mula sa kanilang tahanan – ang kunin siya ng alien at makasamang muli ang kaniyang namayapang ina. Sa kaniyang paglalakbay papunta sa Mt. Milagros, makikilala niya si Caloy na, katulad niya, tumakas rin sa kanilang tahanan upang pumunta at makipag-ayos sa kaniyang ama bago siya bawian sa sakit na leukemia.

Pagtakas ang pangunahing tema ng ‘Love You to the Stars and Back,’ pelikulang sinulat at dinirehe ni Antoinette Jadaone. Pangunahing mga tauhan sina Julia Barretto at Joshua Garcia na minsan na ring bumida sa pelikulang ‘Vince Kath & James’ noong 2016 Metro Manila Film Festival. Katulad ng naunang pelikula ni Jadaone na ‘That Thing Called Tadhana’ (2014), sumentro ang kuwento ng pelikula sa dalawang estranghero na aksidenteng nagkakilala—nang masagasaan ni Mika ang paa ni Caloy matapos niyang akalaing sinisilipan siya nito habang umiihi.

Katulad ng That Thing, hitik ang palitan ng dayalogo nina Mika at Caloy ng mga hugot lines, sipi mula sa mga kilalang pilosopo patungkol sa pag-ibig. Sa mga hiritan ng dalawa tungkol sa global warming, alien, at kalabaw hanggang sa buhay, pamilya at pag-ibig na karaniwang nauuwi sa pag-uusap tungkol sa isa’t isa, napatatampok ang kultura ng kabataan ngayon na karaniwang nahuhumaling sa mga banat na may pinaghuhugutan.

Hindi kaiba ang pelikulang Love You to the Stars and Back sa mga karaniwang rom-com movies na naipalabas na ng Star Cinema. Tipikal ang pormula nito – mayamang babaeng galit sa kaniyang pangalawang ina kaya’t lalayas siya sa kanilang tahanan, at sa kaniyang paglalayas, makikilala niya ang estrangherong lalaking mahirap na sa isang iglap ay babago sa kaniyang buhay. Kung minsan, lumalabis na ito’t para bang silang dalawa na lamang ang tao sa mundo.

Isa sa sakit ng pelikulang Love You to the Stars and Back, katulad ng That Thing, ay ang kawalan ng koneksyon sa materyal na mundong kinagagalawan nito. Kabalintunaang “road trip” ang tema nito, samantalang nagsilbing backdrop lamang at mistulang walang buhay ang ibang mga tao at lugar sa kuwento para sa higit isang oras na kuwentuhan at kiligan ng dalawang tauhan.

Bagaman sinubukang ipasok sa pelikula ang kuwento ng isang mamang nagdadala ng manok bilang kontribusyon sa kasal ng anak nito, tila naging palamuti lamang ito at walang kontribusyon sa kuwento. Mas napayaman sana ang pelikula kung naipakita kung paano nakaapekto ang karakter ng matanda kina Mika at Caloy – kung ano ang natutuhan nila sa maikling pagkikitang iyon.

Kung iisipin, sa kabila ng paulit-ulit na pormula at hugot lines, bakit malawak pa rin ang hatak ng pelikula sa mga manonood nito? Bakit tumabo pa rin ito ng mahigit 102 milyon sa takilya? Dahil pag-ibig ang tanging lunas na inihahain ng pelikula at industriya sa publiko. At sa panahong laganap ang karahasan at kahirapan, pribilehiyo nga naman ang makuha ng alien, ayon sa ina ni Mika, na ginampanan ni Carmina Villaroel. Mas madaling tumakas at bumuo ng isa pang mundong lunod lang sa romansa at kilig. At sa tinagal-tagal, ito ang sinususugan ng mga rom-com movies, partikular sa mga pelikula ni Jadaone.

Sa bandang huli, itinuturo ng pelikula na ang buhay at pag-ibig ay wala sa mga “alien” o sa mga bituin sa langit, kundi nandito sa lupa. Ngunit kailangang malaman nina Mika at Caloy na may mas malaking daigdig sa labas ng nilikha nilang espasyo. At kung pipiliing lumabas nina Mika at Caloy sa realidad, malalaman nilang hindi lang sa kanilang dalawa umiikot ang mundo. 

The post Biyaheng langit appeared first on Philippine Collegian.

Guhit at Kudlit

$
0
0

Kultura
Sheila Abarra

Nagsimula ka sa iyong primary paper na may asul at pulang guhit. Gamit ang lapis gumuhit ka ng mga tuwid, paliko, at pabilog na linya, hanggang sa makabuo ng letra. Nagpalit man ang papel sa intermediate, yellow pad, hanggang mapunta na sa mga kompyuter at selpon, iisa pa rin ang hugis at hubog ng mga letra.

Nagpatuloy kang ganito ngunit nang tumatagal at marami ka nang napanood na Korean dramas, nasisimplehan ka na sa pamamaraan natin ng pagsulat. Hindi pa man malinaw ang kasaysayan ng ating paraan ng pagsulat, tatapalan na itong muli ng dayuhang konsepto—ilalagay na sa ating kurikulum ang pag-aaral ng wika at pamamaraan ng pagsulat mula Korea.

Bandang hayskul na nabuksan sa ‘yo ang konsepto ng Baybayin. Alibata pa nga ang tawag dito ng ilan na napag-alaman mong imbentong salita lang pala nang nasa kolehiyo ka na. Ganito kaignorante ang maraming Pilipino sa nag-iisang orihinal na pamamaraan ng pagsulat sa bansa.

Mula ang Baybayin sa wikang Austronesian, at binubuo ito ng tatlong patinig at 14 katinig. Ito ang ginagamit na alpabeto ng mga pamayanang mayabong nang umiiral bago pa man dumating ang mga Kastila. Isa ang Baybayin sa mga bagay na iwinaglit ng kolonyalismo mula sa ating kultura, at hindi na ito ginagamit pa maliban sa calligraphy o bilang disenyo.

Ngunit umingay ang interes na muling ibalik ang lumang paraan ng pagsusulat. Maaaring naiisip mo, sariling atin ito katulad ng Hangul ng mga Koryano—at cool ‘yon. Subalit hindi ito simpleng hakbangin, lalo na’t nasa yugto pa rin ang bansa ng pagturing sa sariling kultura bilang komoditi at sa katutubong tradisyon bilang palamuti.

Tourist spot kung ituring ang lugar ng mga katutubo nang hindi binibigyang-halaga ang mga isyung kinakaharap ng mga ito. Gayundin, patuloy ang pagbenta sa mga gamit at kulturang katutubo, waring tinutumbasan ng salapi ang kulturang natatangi nilang sandata sa mga nananamantalang dayuhan at malalaking kompanya.

Dahil sa hindi malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng ating kultura, nawawala sa konteksto ang kulturang tradisyunal ayon kay Prop. Felipe Jocano Jr. Isang natural na tendensiya ang pagro-romanticize sa ating kultura dahil sa kawalan ng kakayahang suriin ito. Nakakahon sa iisang pamamaraan ng pagsulat ng Baybayin sa internet dahil hindi batid ng nakararami na umiiral pa rin ang katutubong paraan ng pagsulat mula sa Baybayin, tulad ng Hanunó’o ng Mindoro at Apurahuano ng mga Tagbanwa.

Bagaman nakakalungkot ang ganitong katotohanan, maaari naman daw itong sabayan at tapatan ng tamang edukasyon, dagdag ni Prop. Jocano. Ito ang itinataas na diskurso ng mga batikan sa larangan. Bago gawing tatak ng t-shirt o tato sa balat, kailangang matutunan muna ng sinumang gagamit ang naging papel ng Baybayin sa kasaysayan.

Maaaring bigyang-daan ng interes sa pagbuhay sa Baybayin ang mas malalim na pag-aaral ng panahong prekolonyal, na malaki pa ring butas sa kasaysayan, ayon sa historyador na si Resil Mojares.

Taglay ng Baybayin ang mayamang kasaysayan ng mga pamayanan sa bansa na may sariling paraan ng pagbasa at pagsulat, taliwas sa pinakalat na ideya ng mga Kastila at Amerikano na mababang lahi ang mga Pilipino. At dahil marami sa mga katutubo ay maalam sa Baybayin, ginamit ito ng mga Kastila sa ilang bahagi ng dokumentong Doctrina Christiana upang ipalaganap sa mga katutubo ang aral ng Simbahang Katolika.

Sa unti-unting pagpasok ng banyagang impluwensya sa maraming bahagi ng kapuluan, nalusaw din ang sarili nating kultura tulad ng Baybayin. Kaya nang gamitin ng Katipunan ang “Ka” mula sa Baybayin bilang simbolo sa bandila nito noong Himagsikang 1896, iginigiit ng rebolusyunaryong kilusan ang sarili nating pagkakakilanlan laban sa pananakop ng mga dayuhan.

May bigat ang bitbit na malalim na kasaysayan ng Baybayin. Lunsaran ito sa pag-unawa sa sinaunang pamayanang Pilipino kaya ang muling pagbuhay rito ay lagi’t laging nakaangkla sa pagkakakilanlang Pilipino.

Sa pagbaybay sa kasaysayang Pilipino gamit ang kulturang tradisyunal tulad ng Baybayin, unti-unting mabubuksan ang kamalayan ng bawat Pilipino sa yamang taglay ng bansa tungo sa pagsulong at paggiit sa tunay na kalayaan.

The post Guhit at Kudlit appeared first on Philippine Collegian.

Viewing all 86 articles
Browse latest View live